NAPATINGIN si Zoey kay Greyson nang makita niya itong nagliligpit na ito sa executive table nito. Nakita din niyang isinara nito ang laptop nito. Pagkatapos niyon ay tumayo na ito mula sa pagkakaupo nito sa swivel chair. Kinuha nito ang itim na tuxedo na nakasabit at isinampay nito iyon sa braso nito. At saka ito naglakad palapit sa kanya. Inilahad naman nito ang isang kamay sa harap niya. "Let's go," yaya na nito sa kanya. "Tapos ka na?" wika naman niya sa halip na tumalima sa sinabi nito. Kanina nang matapos silang kumain ay nagyaya na ito na umalis na sa opisina nito, pero no'ng mapansin niyang marami pa ding folder sa ibabaw ng table nito ay in-insist niya na do'n muna sila at tapusin nito ang mga dapat nitong tapusin para hindi ulit ito matambakan ng trabaho. Wala na din itong n

