"HATID na kita, Greyson." Sumulyap si Greyson sa pinsang si Jackson ng marinig niya ang sinabi nito matapos siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa stool sa harap ng bar counter. Napagpasyahan na kasi niyang umalis dahil kanina pa sila umiinom do'n. Nakakailang bote na din siya ng alak na nainom. At napansin niya na hindi masyadong umiinom si Jackson, eh, sa kanilang dalawa ay ito ang malakas uminom. Kaya nga ay lagi itong nagyaya sa kanya na magpunta silang dalawa sa bar. "No need. I can manage," wika niya kay Jackson sa malamig na boses. Hindi naman na niya hinintay na magsalita ito. Inalis na niya ang tingin sa pinsan at nag-umpisa na siyang humakbang paalis. Pero nakakailang hakbang lang siya ng muntik na siyang ma-out of balance dahil sa kalasingan, mabuti na lang at mabilis ang

