KUNG alam lang ni Zoey na ganoon ang mangyayari sa pagsama niya kay Greyson sa party kung saan imbitado ito ay hindi na sana siya sumama do'n. Kasi pagdating nila sa venue kung saan gaganapin ang party ay basta na lang siya nito iniwan. Hindi naman niya alam kung saan ito nagpunta. Inilibot naman niya ang tingin sa buong bulwagan para hanapin ito pero hindi niya ito makita. Nagpakawala na lang si Zoey ng malalim na buntong-hininga. At nang ilang minuto pang hindi niya makita si Greyson ay napagpasyahan na lang niyang umalis sa lugar na iyon. Wala naman kasi siyang ibang gagawin do'n at wala siyang kilala kahit na isa na naroon sa nasabing venue. Akmang maglalakad na siya paalis ng hindi inaasahan na may nakabunggo sa kanya. "Sorry, sorry," hingi ng paunmanhin ng nakabunggo sa kanya.

