GAYA ng sinabi ni Zoey kay Greyson. Lahat ng oras sa day-off niya ay inilaan niya para dito. At gaya din ng sinabi niya rito ay tuturuan niya ito kung paano magluto. Siya naman kasi iyong tipo ng babae na kung ano ang sinabi niya, kung ano ang ipinangako niya ay talagang ginagawa niya. Para kasi sa kanya, ang pangako ay hindi dapat napapako. She always keep her promises. Kinuha ni Zoey ang dalawang apron na nakasabit. Inabot niya ang isa kay Greyson at isinuot naman niya ang isa. Iiling si Zoey ng balingan niya si Greyson sa kanyang tabi. Hindi pa rin kasi nito isinusuot ang apron na inabot niya rito. Nanatiling hawak-hawak pa nito iyon habang nakatingin sa kanya. "Ako na nga," sabi niua dito. Kinuha ni Zoey ang apron na hawak nito. Pigil naman niya ang hininga na ibinuhol niya ang

