"BA-BYE po, Mama," wika ni Zeus ng sulyapan ni Zoey ang anak ng ihatid siya nito sa labas ng pinto ng condo. Nagpaalam kasi siya dito na aalis na siya. Medyo late nga ang alis niya sa sandaling iyon. Dati-rati kasi ay umaalis siya n 6pm sa condo. Pero ngayon ay quarter to six na siya aalis. Nagluto at pinakain pa kasi niya ang anak. At medyo napasarap din ang kwentuhan nila kaya hindi na niya napansin ang oras. Dinala na nga ni Zoey iyong sobrang ulam na iluto niya para pagdating niya sa bahay ni Greyson ay hindi na siya magluluto pa. Papainit na lang niya iyon pagdating niya. Nginitian naman niya ang anak. "Bye, Zeus. See you tomorrow," wika niya dito. Pagkatapos niyon ay tumingin siya kay Mildred na nasa gilid ng anak. "Mildred, ikaw na ang bahala dito. Call me kung may problema. And

