At hindi maipaliwanag ni Zoey ang biglang naramdaman ng puso niya. Para kasing may malaking kamay na sumakal do'n dahil hindi siya makahinga sa isiping wala silang matinong relasyon ni Greyson. Pakiramdam din niya ay ang bigat-bigat ng nararamdaman niya. Mayamaya ay inangat ni Greyson ang ulo niya para magtama ang mga mata nila. “I’m asking you, Zoey. Gusto mo na ba akong umalis?” Kagat ang ibabang labi na tumitig siya rito. Hinawi nito ang ilang buhok niyang tumatabing sa mukha niya and then he looked at her intently. “Answer me, " he commanded her. She closed her eyes and then shook her head. “A-ayoko,” pag-amin niya sa totoong nararamdaman. Ayaw niyang magsinungling dito dahil kapag ginawa niya iyon ay sarili lang din niya ang lolokohin niya. “Ayoko...na umalis ka.” Nagmulat siya ng

