And then, she expertly cook it. “Why cooking is so damn hard?” Mayamaya ay narinig ni Zoey na wika ni Greyson habang pini-prito niya ang mga iyon. Saglit niya itong sinulyapan sa kanyang tabi. “Maybe, it's because you're not into it,” sagot naman niya rito. “I want to learn,” mayamaya ay wika nito sa kanya. Mababakas sa mukha nito ang determinasyon, mukhang gustong-gusto talaga nitong matuto. Hindi naman niya napigilan ang mapangiti habang nakatitig siya dito. “Don’t worry. I will teach you some other time, "nakangiting wika niya sa lalaki ng ibalik niya ang tingin sa pini-prito. “Hindi ba pwede ngayon?” tanong ni Greyson habang nakatitig sa kanya. Umiling naman siya. “Hindi pwede, eh. Papasok kasi ako sa trabaho ngayon,” wika niya rito. Gusto naman niyang turuan ito ngayon pero m

