MABILIS na nalinis ni Spica ang kaniyang sugat saka tinawagan si Eagle at Jaguar upang matulungan siya sa paghahanap kay Vhivv. " Okay, lahat ng cctv around the area kung makakaya niyio ngayong araw. " Aniya ni Spica saka ibinaba ang phone at napabuga sa hangin. Bakit ba kasi nag layas ang batang yun, di tuloy niya maiwasang mag alala ngayon kung nasan na ito, kumain na ba o nasa mabuting kalagayan na. Mahirap magpagala gala sa panahon ngayon sa kalsada lalo na at di niya kabisado ang mga tao. Mapalad siya kung sakaling may mabutng puso ang lumapit sa kaniya para tumulong. Tsk ! Agaran siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa harap ng salamin, kailangan niyang kumilos din para mahanap sa lalong madaling panahon si Vhivv. Agad niyang kinuha ang itim na jacket sa closet saka susi ng kotse at dal

