NAPAPAHIMAS sa ulo si Spica na napatiklop ng laptop matapos mabasa lahat ng nasa file report, kanina pa niya binabaliwala ang matinding pagsakit nito hanggang sa nawala kanina at ngayon nararamdaman niya na naman. Napabuga siya sa hangin saka pinilit na balewalain sa pag asang mawawala din ito katulad kanina. Muli niyang binalingan ng tingin ang laptop, hindi niya akalaing ganung kalalim ang mahuhukay ni Jaguar patungkol sa background ni Yvytte, lalo tuloy siyang nahihiwagaan sa likod ng maskarang suot suot nito. Napatitig siya sa USB kung saan nakalagay sa gilid ng couch saka hinawakan at tinitigan nang biglang nakaramdam na naman siya ng sakit sa ulo. Sa pag kakataong tu sobrang sakit na ang nararamdaman niya sa ulo niya na para bang volume na dahan dahang itinutodo na dahilan para maium

