SA bawat palapag na nararating nila Jaguar at Spica ay may mga kalabang naka ambang sa kanila. Sugod dito, sugod duon, sipa at suntok habang kapwa sila ay habol hininga sa bawat binibitiwang lakas. " Boss--umalis ka na." Sigaw ni Jaguar habang napapatambling sa kalaban. " Hindi pwede--marami sila, baka di mo kayanin." Sagot ni Spica. " Mas hindi mo kakayanin kong mawawala ang mga kaibigan mo kaya sige na. Bilis." Sigaw ni Jaguar dahilan para mapalingon sa kaniya si Spica. " Pero--" Napapaawang sambit ni Spica. " Sa likod mo !" Sigaw ni Jaguar, na mabilis din namang naiwasan ni Spica saka ito pinatikim ng uppercut punch at sinipa. " Sige na kaya ko na tu." Sambit ni Jaguar sa kaniya. " Pero hindi ko ugaling mang iwan sa ere ng mga kasamahan." Aniyang sagot ni Spica sabay sipa ng suno

