Kabanata 5

1094 Words
Sa Rooftop " Ui bitchfrenny? Mukhang masasaya ang mga estudyante sa pagdating ng kinakapatid mo ah? Pinagkakaguluhan. Naloko nung makapal niyang make up. Hahahah !!" Saad ni Stacie, habang nakamasid sa baba na pinagkakaguluhan ang pag dating ni Lhaura. " Infairness, nag effort ang yung daddy monstah na bigyan siya ng body guard huh. Samantala ikaw, di ka yata namin kinakitaan na may kasamang body guard since we started to study here in Stella." Dagdag pa nitong si Claudetthe na nakamasid din sa baba habang si Spica nakahiga lang sa semento at nakatingin sa langit. " Wowww ! Ang seksi niya Spic.. Sa tingin mo kelan ang libing niya? Nakakatakot yang katawan niya. Sampitik nalang yata sakanya ee sa sa hukay na siya pupulutin." Namamanghang sabi ni Jazzy. " Tumigil na nga kayong tatlo diyan. Wag niyong pag aksayahan ng oras yan. Di yan gaganda sa katititig niyo." Saka siya napapikit. " Oi di ka ba papasok sa klase bitchfrenny?" Tanung ni Stacie. " Kayo nalang. Baka masapak ko pa ulit yung teacher natin kapag sinigawan na naman ako." Saad ni Spica. " Kasi naman.. natutulog ka sa klase niya ii." Sagot ni Claudetthe. " Pano di makakatulog? Maske nga ako pakiramdam ko idinuduyan ako sa hangin ng boses ni maam. Pwet niya nalang yata nakakarinig nung boses niya ii." Sagot nitong si Jazzy. " Pumasok na nga kayo. Ang iingay niyo ii." Pautos na sabi ni Spica. " Pag sure Uy Spica? Ayaw mo ba talagang pumasok?" Tanung ni Claudetthe na hindi naman na sinagot nito. Kaya hindi na sila umimik dahil alam nilang isang beses lang talga pwedeng tanungin ito at ayaw ng paulit ulit. " Sana bumaha nang kabaitan ngayon lord at masalo lahat ni Spica dito sa rooftop para maisip naman niyang mahalaga ang karunungan saming nga kabataan." Sigaw ni Stacie. " Gaga ! Mas kelangan mo yata yang panalangin kesa ke Spica na mas matalino pa sa guro natin. Hahaha !" Pang aasar ni Jazz " ANO ba bitawan mo nga ko? Sabing ayokong sumama sayo ii." Nagpupumiglas na sabi ng isang 2nd year college na babae sa may hagdanan. " Look, wala namang makakakita satin kung pag bibigyan mo ko ngayon. Sige na pleaaaase !!!" Pag mamakaawa ng isang lalaking dinaeg pa ang nakahithit sa sobrang sama ng itchura. " Anu ba? Pag di mo ko binitawan sisigaw ako." Pagbabanta ng dalaga. " Wowww !! Sige sumigaw ka nga? Hahahah ! Sa tingin mo ba may makakarinig sayo. Wag kang umasa. Lahat ng rooms didto ay sound proof kaya kahit anung gawin ko sayo walang makakapigil. Hehehe hemm." Saka biglang hinatak ang babae at isinandal sa pader. " Noooo !!! Pleassse waggg ! Tulong !!" Patuloy na nagpupumiglas habang nag sususumigaw ito. Hahalikan na sana sa leeg ng biglang ... " BLAAAAAAGGGGG !!!" Bumukas ang pintuang sa may rooftop. " Sino yan??? Sinong nandiyan??" Sigaw ng lalaki. Maya maya lang naisip niyang hangin lang tuh kaya ipinagpatuloy pa din niya ang pag hawak ng mahigpit sa babae at paghahalik sa leeg nito habang nagsisisigaw ang babae. Nang biglang ... tinamaan ng sapatos ang lalaki na siyang nagpahinto sa ginagawa nito. " Ouuuchh !!!" Napahimas sa ulo. " Sino ka? Wag kang duwah ! Bwisit ka inisturbo mo ko--" Nang bigla siyang napatigil ng makita si Spica sa may hagdanan na naka sandal sa pader. " ii---SPICA !!! Ka---kanina ka pa b--ba diyannn?" Halos lumuwa ang mga mata nito sa gulat. " Sa tingin mo??? Alam mo bang binulabog mo ang pagtulog ko huh?" Galit na sabi ni Spica habang pababa ng hagdanan papalapit sa kanya. " Ikaw babae? Bumalik ka na sa room at tuturuan ko tu ng leksyon." Mabilis na inayos ng dalaga ang sarili at kahit nanginginig pa ay mabilis na tumakbo ito. " Bo---bosss ! Pa--pasensya na. Di --di ko sinasadya. Pa--patawad .. Na nadala lang ako----" Pagpapaliwanag sanang sabi ng lalaki ng bigla niyang hinatak pasandal sa pader at biglang isang mabilis na kamao ang dumapo sa kanang mukha nito at saka sinipa ang kanyang mahiwagang jingle bells na siyang nagpaluhod sa lalaki. " Oppps ! Sorry nabigla lang din ako. Nangangati kasi ang kamay at paa ko lalo na sa mga manyak na katulad mo." Saka isang suntok ulit sa kaliwang mukha. Saka siya tumalikod sa lalaki. " ANG MGA KATULAD MONG KLASENG TAO AY HINDI BINIBIGYAN NANG PAGKAKATAONG MABUHAY PA SANA. PERO DAHIL MABAET AKO PGBIBIGYAN KITANG MAKAWALA SA BAWAT SULOK NG ESKWELAHANG TUH. PAGBILANG KO NG LIMA DAPAT HINDI KO NA MAKIKITA ANG PAGMUMUKHA MO DITO KAHIT KELAN. KAYA UMALIS KA NA GAT NAKAPAGPIPIGIL PA KO." Walang emosyong saad ni Spica. " Isa !!!" Inumpisahan ng magbilang ni Spica. Kahit namimilipit pa sa sobrang sakit ang lalki ay pinilit pa ring makatayo. " Dalawa !!" Halos madapa sa pagmamadaling makalayo ang lalaki na iila ikang naglalakad. " Tatlo !!! Apat !!!" Halos lakad takbo na ang ginagawa ng lalaki papalayo kay Spica. " Apat at kalahati." Sigaw ni Spica. " LIMMMMMAAAAAH !!!" Saka tuluyan ng nawala sa paningin niya. Napabuntong hininga siya. At napasandal sa pader. " Lhara ! Hanggang kelan ka matatahimik?" Bulong sa sarili niya. Nang biglang nagring ang fone niya. Na agad niya namang sinagot. " Balita???Oh sige within 10 minutes nandyan nako." Saka siya umakyat sa rooftop ulit para kuhanin ang kanyang bag at leather jacket na itim. At nagmamadaling sumakay ng elevator pababa kung saan naka park an big bike niya. Mabilis na nakarating si Spica sa tagpuan kung saan hinihintay siya ng lalaking nakausap niya kanina. Kinakabahan siya. Inaasahan niyang sana sa pagkakataong ito ay may makuha na siyang impormasyon. " DAD? Si Spica po? Wala pa ba??" Tanung ni Lhaura. " Hayaan mo na yun. Nakikipagbasag na naman yun panigurado." Baliwalang sagot ng ama amahan nito. " Baka nga siguro. Sa tingin ko di siya pumasok kanina. Nakita ko kasi siyang umalis kanina sa school sakay yung big bike niya." Pagsusumbong nito. " Talagang hindi na magbabago yun. Kahit ibitin ko pa patiwarik baliktad parin ang pag gana nung kukuti nun. Hayaan mo na yun basta wag na wag mo siyang gagayahin. Mag aral ka ng mabuti." Saad ng ama. " Yes daddy !! " Saka ngumiti nang nakakaloka. " THIS is what I found." Saka iniabot ng lalaki ang isang envelope. " Sigurado ka ba sa mga nakuha mong info? Walang labis? Walang Kulang?" Tanung ni Spica. Saka iniabot ang envelope at binuksan. " Opo ! Base din po sa nalaman ko, an hour before yung accident , ay may pinuntahan pa siyang isang hotel na malapit lang sa lugar niyo." Pag sasalaysay ng lalaki. " Hotel??? " tanung ni Spica. " Yes, after niya sa hotel na yun ay may kasama na siyang lumabas na isang babae. At yun yung nakuha ko sa cctv dun sa parking lot na pinrint ko. Yun nga lang nakasideview ang babae at medyo malabo na din sa tagal na ng record na yun kaya di makikilala kung sino ." Saad ng lalaki. Habang titig na titig na tinitingnan ni Spica ang picture na, ay bigla siyang napansin sa babae ..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD