BAGSAK na bagsak ang katawan ng mag kakaibigan ng marating nila ang tuktok ng bundok, halos maubusan sila ng hininga sa panloloko sa kanila ni Spica, sinabi kasi nitong may pupuntahan silang isang magandang beach pero malayo sa kanila. At dahil mga mukha nga silang beach ay napasama sila sa babaetang may pakana kung bakit hinihila nalang ang mga paa nila para maihakbang. " Spica--ayoko na--tama na--pagod nako---anong lugar ba tu? Sabi mo beach tayo di mo sinabing hiking pala ang---wow ! Ang ganda naman dito." Aniya ni Claudette. " Ang sarap ng simoy ng hangin." Dagdag ni Stacie na napapikit pa sa paglanghap ng simoy ng hangin. Napasigaw naman si Jazz ng matanaw ang isang magarang bahay ilang metro lang mula sa kinatatayuan nila. " Ba--bahay--may bahay. Ang--ang gara ng bahay." Aniya ni

