Chapter 58 Kakai’s Pov NAIINIS na ako kay sir Jonas dahil kinukulit talaga niya ako kung ano ang salitang olok. Kung si Gemma na kaibigan ko talaga ang maid niya ay babatukan ko talaga sya. Kung ano-ano pinagsasabi tapos ako ngayon ang nahihirapan kung ano ang tagalog no’n. Hindi pa ako sigurado kung si Gemma na kaibigan ko talaga ang maid niya. Kaya hindi na muna ako mag iisip ng kung ano-ano. Ang iniisip ko nga ay paano napunta si Gemma kay sir Jonas. Pero malabo pa naman kaya ang isip ko ay kung ano-ano na ang pumapasok. Nasa kusina ako at kasama ko si sir Jonas. Ang hina ng boses namin dalawa at baka marinig kami ni bossing Thanatos. Mabuti na yung nag iingat at baka lumipad na naman si sir Jonas. Ang lakas pa naman manipa ni bossing Thanatos. Gusto ko na lang talaga matawa sa t’

