Chapter 24 Kakai’s Pov TAPOS na ako tumambay sa nakita kong nagtitinda ng pagkain tabi ng store. Busog na busog talaga ako kaya panay ang haplos ko sa aking tiyan. Kumain kasi ako ng siomai pati na din kikiam. Natagalan ako dahil bisaya din ang tindera. Nakipag kwentuhan pa ako sa kanya at ang dali lang namin naging magkaibigan. Dalaga din kasi ‘to at namasukang tindera. Sigurado talaga ako na babalikan ko ang siomai niya dahil masarap naman kasi. Naka tatlong order ba naman ako eh. Sarap na sarap talaga ako kaya yung tiyan ko busog na busog. Naglakad na ako pauwi sa subdivision na may ngiti sa labi. Happy kasi ako dahil may kaibigan akong nakilala. Sana pala matagal na akong lumabas sa bahay ni bossing Thanatos eh di matagal ko na sana nakilala ang bago kong kaibigan. Namimiss ko

