Chapter 43 Kakai’s Pov NAKAKAPAGTAKA na talaga si bossing Thanatos uy dahil sa sobrang higpit niya. Pagkatapos ko talaga magluto ng ulam ay talagang pinaakyat niya ako sa loob ng kwarto ko. Ewan ko nalang talaga sa kanya. Basta pinapasok niya ako sa kwarto ko at may dala pa siyang pagkain ko. Kaya heto ako sa kwarto.. kumakain ako. Ang sarap ng buhay ko dahil nasa kwarto lang ako at wala akong ginagawa. Pagkatapos ko talaga kumain ngayon ay matutulog lang talaga ako. Bahala si bossing sa buhay niya. Mukhang hindi naman niya kailangan ako sa labas. Sumubo ako ng pagkain at biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko yun sa ibabaw ng mesa at agad na tinignan kung bakit tumunog yun. Binuksan ko ang cellphone at nakita ko ang pangalan ni bossing. Wag kang lalabas ng kwarto hangga’t hi

