Chapter 61 Kakai’s Pov MATAPOS ANG usapan namin ni bossing at ang pag amin niya na gusto niya ako ay naging sweet na talaga siya araw-araw. Minsan naiinis na ako dahil panay ang yakap niya sa ‘kin. Mawala lang ako saglit sa kanya ay agad niya akong hahanapin. Naiinis ako kasi hindi na ako nakakakilos ng maayos sa bahay. Mukha na nga lang niya palagi kong nakikita eh. Minsan pala nakakasawa din pala ang pagmumukha ni bossing. Ayaw pa akong payagan maglinis ng bahay o kung ano pa man. Binatukan ko talaga siya sa ulo ay baka nauntog lang siya ba. Mas gusto ko pa yung bossing ko na walang paki sa paglilinis ko sa bahay. Ngayon talaga lahat bawal kasi baka daw mapagod ako. Pati paghiwa sa sibuyas ay sinasaway ako. Porbida! Hindi ko alam na may tinatagong ka OA-han din pala si bossing T

