Chapter 8 Kakai's Pov NAKAHARAP ako kay bossing Thanatos at inaabot niya sa 'kin ang sinasabi niya na su-suotin ko daw bilang katulong niya. Pumayag na din ako dahil boss ko siya. Wala din naman ako masuot kasi kay wala baya pud ang damit ko. Dinala yata ni Gemma kung nasa'n man siya ngayon. Naisip ko din ang kaibigan ko kung nasa'n na siya ba. Nabalaka pud ko. (Nag-aalala din ako.) "Isuot mo ang uniporme mong yan. Limang uniform ang ibibigay ko para may araw-araw kang pangpalit." Sabi niya habang hindi makatingin sa 'kin. Pangit nalang talaga ako sa paningin ni bossing kay hindi man siya makatingin. "Sige po, bossing. Salamat po dito. Hindi ko na po pro-problemahin ang susuotin ko ba." Sabi ko habang nakangisi sa iyang atubangan. (nakangisi sa kanyang harapan.) Napakagat ako sa ib

