[MELLO IXEN’S P.O.V.] “Mga mahihina na ba kayo ngayon at nagawa kayong mapatumba ng isang nerd na ‘yon? Apat kayo na kumalaban sa kaniya, pero ni ‘di niyo man lang nagawang mapatumba ng ayos!” galit na sigaw ko sa mga kaibigan ko. Hindi ako makapaniwala na natakasan ako ng babae na ‘yon. Hindi ko alam kung bakit gano’n siya kalakas kung makipaglaban. Nagsanay ba siya noon? Saang pamilya ba talaga nagmula ang babae na ‘yom? Sa pagkakaalam ko ay mayamang pamilya rin ang mga Deville, ngunit hindi naman siya kamag-anak ni Annaise Deville. Nakilala ko lang ang babae na ‘yon dahil tinanong ako ni Ashleigh noong nakaraan na araw. “Hindi rin naman namin inaasahan na marunong pa lang makipaglaban ang babae na ‘yon. Sinubukan naman namin na labanan siya ng ayos, pero sadyang mabilis siyang kumi

