Nakarating na sila sa event, halos lahat ng tao ay naroon na pati ang mga manonood. Natanaw ni Tellé sila Jongwa kung saan nakaupo malapit sa mga judges, pati ang mga tao na nakasama niya sa isla noon ay nandito para panoorin ang kompetisyon. Pero ni isa sa kanila wala ang hinahanap niyang tao, isang oras nalang magsisimula na ang event at wala parin si Yuan. She sent a few messages pero ni isa wala man lang siyang natanggap na reply mula sa binata. "Ready na po ba kayo, Ms. Trinidad?" tanong ng isang staff na naghahandle ng event. Naguluhan ang dalaga sa tanong nito "Akala ko after an hour pa ang simula?" "Ah, kailangan po magstart ng maaga dahil pagtapos po ng event ay may pupuntahan pa ang judges," the woman said respectfully. Ngumiti nalang ang dalaga kahit ito'y nalulungkot dahil

