~Elziel Dela Cruz~ [Issa Frank] “Babe, may good news ako. Buntis ako!” sigaw ko at napasigaw sa tuwa si Cindy at napapalakpak pa. Ibinaba ni Mav si Cindy at lumapit sa akin. Niyakap ako ng asawa ko sa harap ni Monique at siya’y bumulong. “We need to celebrate then. Tara sa kwarto, usap tayo. I miss you so much, Babe.” Narinig ko ang hagikgik ni Cindy. Her tiny giggles filled me with guilt. Napa buntong-hininga na lang ako. Masasaktan ko ang sarili kong anak dahil pina-asa ko siya sa wala. Tinawag ko si Faye para kunin si Cindy at alagaan. Hawak-kamay kami ni Mav na umakyat papuntang kwarto namin habang si Monique naman ay naiwang nanggagalaiti. Sabik na sabik pa naman siyang ipaalam kay Mav ang balita niya. Kinakabahan ako habang papasok sa kwarto namin. Mav let go of my hand then

