~Elziel Dela Cruz~ [INVITATION] Nahuli kong nag-tatalo sina Monique at Maverick sa office. Noong una ay tungkol lang sa pagbubuntis ni Monique, pinapa-ako niya ang bata na itinatanggi ni Mav. Hanggang sa nagtaasan na sila ng boses. Kung ano ano na ang pinagsasabi ni Monique na hindi ko na maunawaan. Pero ang huli niyang sinabi ang nagpagulantang sa akin. Ang La Moretti at ang pagbabalik ni Zoran. Talaga ba? Alam niya kung anong nangyari kay Zoran at kung nasaan ito? All this time, ilang taon, alam ni Mav at ng kabit niya kung nasaan at anong nangyari kay Zoran? Sila ba ang dahilan kaya nawawala si Zoran at hindi ako sinipot ng dalawang beses sa aming tagpuan? Ilang taon na nila akong niloloko at ginagawang tanga. Hindi ko na napigilan, binuksan ko ang pinto at sumigaw para huli sa akto

