~Marielle Martinez~ [Chapter 3 Book2] Hindi ko inaasahan na ganito ang kahihinatnan ko sa Maynila. Niloko ako ni Ate Mila. Hindi naman niya ako ginawang model. Binenta niya ako! Wala man lang siyang binigay sa pamilya ko kaya deserve niya maging punching bag. Kung binenta niya ako at wala naman akong napala, mabuting makabawi man lang sa suntok. Hindi ko alam kung anong kalokohan na pinag gagawa ng mga Tagalog. Ginawa nila akong taong ibon. Ngayon lang ako natakot ng ganito buong buhay ko. Hindi ko akalain na ang simpleng pagtupad ko sana sa pangarap ko ay mauuwi sa ganito. Kaya pala tutol na tutol ang Nanay at Tatay na makipagsapalaran ako dito sa Maynila dahil mapanganib ang mga tao dito. Malayong malayo sa probinsya namin. Kung mamamatay lang din naman pala ako dito sana nakuntento

