DARKNESS - 2

1988 Words
Ready ka na ba, Sheena? Sa parusang ipapataw sa'yo? Mapakla akong natawa, ano pa nga bang aasahan ko sa kanila? Maaawa sila sa'kin? Hell no! Kahit na kailan hindi sila maaawa. Mas natutuwa pa nga sila kapag nasasaktan nila ako. Akala ng iba.. Masayang pamilya sila, Sabihin na nating OO dahil kumpleto sila bilang isang pamilya without me! Kaya nilang ipagmalaki kung ano man ang meron sa pamilya nila ng wala ako. Yeah, gano'n ang pamilya ko. Minsan nga naitatanong ko sa sarili ko, Bakit ganito ang naging kapalaran ko? May kasalanan ba ako sa dati kong buhay? May kasalanan ba ako para iparamdam nila sakin na hindi nila ako tinuturing na anak? Masama ba akong anak? Mahal ko sila, yung tipong nagtitiis ako dahil sila ang pamilya ko, pero pamilya ba ang turing nila sa akin? Hindi ko maiwasang malungkot dahil yung iba may masayang pamilya, kahit yung iba hindi mayaman o mahirap lang pero nakikita mo namang masaya sila sa buhay nila. Hindi katulad ko, may pamilya nga pero kung ituring ka namang iba na para pang basura. "SHEENA OPEN THE DOOR!" Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga ng malalim bago ko binuksan ang pintuan. Sinalubong ako ng malakas na sampal ni Shanna at gigil na gigil siyang hinawakan ang panga ko para iharap sa mukha niya ang mukha ko. "Paano nalaman ni Aphrodite na may kakambal ako?!" nanggagalaiti na tanong niya sa'kin. Umiling lang ako sa kan'ya tapos binitawan niya ang panga ko at sinampal ulit ako ng dalawang beses? No limang beses. Sobra ng namamanhid ang pisngi ko pero 'di pa rin ako nagsasalita. Rule #2 bawal sumagot sa kanila. Kaya para akong pipi kapag sinasaktan nila ako, tinatanggap ko ang bawat pananakit nila sa'kin. Masyado na ba akong masokista sa lagay ko? Yung hinahayaan ko lang kung anong parusang naghihintay sa'kin? Ano bang magagawa ko, laban sa kanila? They're my family. "Siguro nakita niya mukha mo?!" Umiling ulit ako kaya tinadyakan niya ako sa t'yan ng malakas kaya namilipit ako sa sakit. "Siguraduhin mo lang ah! Eto tatandaan mo my lovely twin kahit na kailan hindi ka naming ituturing na pamilya! Habang buhay ka ng nakatago sa anino ko," sigaw niya at humalakhak siya bago binuga ang usok ng sigarilyo niya sa mukha ko kaya napayuko na lang ako. "Shanna," Napatigil siya at nanlaki ang mga mata ko ng pasuin niya ang sarili niya at wala akong nagawa para pigilan siya. Mukang alam ko na kung anong balak niya. Mukhang kasalanan ko nanaman. "D-dad, s-she's hurting me... Look." Pinakita niya kay dad yung paso at mangiyak-ngiyak siyang tumingin kay dad. Napakagat ako sa labi at napapikit na lang, Ano ba, Sheena! Speak up! "F*ck! Sheena!" Sigaw ni dad at alam ko na ang ibig sabihin no'n... Ang pumunta sa isang silid kung saan nila ako paparusahan. Nakayuko lang akong nagpunta sa isang silid habang nakasunod sila sa'kin. Nang makarating kami parang gusto ko ng tumakbo palayo rito hanggang sa hindi nila ako maabutan. I want to escaped from this hell. "Hindi ka nagtatanda! Sinabi ko na bang mamamatay tao ka! Alam mo ang ayoko sa lahat sinasaktan ang anak ko!" Galit na sambit ni dad sa'kin habang sinasaktan niya ako. Wala na akong magawa kung hindi ang humagulgol ng iyak at hindi iniinda ang sakit dahil mas masakit d'yan ang nararamdaman ko. Sana namatay na lang ako baka sakaling ikatuwa pa nila. Hindi ko na kasi kaya eh. Gusto ko na lang sumuko. "Darling, they're here." Napatigil si dad at narinig ko na lang ang iilang mga yabag palapit sa pwesto ko. "She's our maid. Gawin niyo na ang gusto n'yong gawin sa kanya. Doble ang ibabayad ko," rinig kong sambit ni mom sa mga kasama nila. "M-Madam, ito ba ang ipapagawa niyo sa'min?" "Oo." "P-Pero m-madam.." "Gawin niyo na kung hindi papatayin ko kayo." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Bakit may mga lalaki? Anong ibig sabihin nito?! Naramdaman ko na lang na tinanggal nila ang mga damit ko. Damn it. Kahit nanghihina ako napasiksik ako sa dulo. Anong gagawin nila sakin? "Go! Do it! I'll watch!" Ramdam ko ang tuwa sa kakambal ko. Lumapit sa'kin ang mga lalaki pero ang isa sa kanila nag-aalangan pa. "A-anong g-gagawin n-niyo? W-wag p-please.." Pagmamakaawa ko sa kanila habang umiiyak pero hindi nila ako pinakinggan. Sinunod pa rin nila ang kagustuhan ng mga magulang ko. - Natulala na lang ako habang nakahiga sa sahig, umiiyak sa pait, sakit at galit. Paano nila nagawa 'yon sa'kin? Paano nila naatim na panoorin ang anak nila na mahirapan sa harap nila? Ganun ba talaga ang tindi ng galit nila sa'kin? Iniwan nila ako na parang basura sa sahig. Blanko na ang isip ko, wala nakong naririnig kung hindi ang mga hiyaw nila. Napatakip ako sa mga tenga ko habang hunahagulgol ng iyak. Napaka dumi ko na. Diring-diri na ako sa sarili ko. Mga hayup sila! Mga hayup! "Twin, kawawa ka naman. Isa ka ng maduming babae kaya wala ng tatanggap sayo. It's better to shut your fvcking mouth." Dinuraan ako ni Shanna bago niya ako iniwan. Napayakap ako sa sarili ko habang humagulgol ng iyak. Hindi ko na kaya wasak na wasak na ang buo kong pagkatao. Wala ng tatanggap sa isang maduming katulad ko. Pandidirihan na nila ako. "Dios ko po! Sheena!" Naramdaman ko na lang ang yakap ni Nanay Esme kaya mas lalo akong napaiyak. Sa kanya ko naramdaman ng pagmamahal ng isang ina. "H-hindi k-ko n-na p-po k-kaya.." Hindi ko na kaya ang sakit.. Please, take me.. - Nakauwi na lang ang mga Ezrael sa kanilang mansion na walang nagpapansinan. Hindi kasi nila maintindihan ng bunso nila. 'Sino ba ang tinutukoy ni Aphrodite?' yan lang ang umiikot sa isipan ni Giovanni. Kanina rin iba ang pakiramdam niya sa pamilya ng fiance niya lalo na nahuli niyang masama ang tingin ng mga ito sa isa nilang katulong na naka face mask at nakasumbrero iba rin ang naramdaman niya kanina ng titigan niya ang babaeng 'yon. "Aphrodite, mali ang asal mo kanina. Naghahanap ka sa wala!" Inis na sambit ng ama nila. "No, dad! Hindi ako pwedeng magkamali! May mali sa pamilyang 'yon!" giit ni aphrodite. Iba ang aura ng mansion na 'yon ayon kay Aphrodite. At ayaw niyang maging sister-in-law ang Shanna na 'yon. That b***h. "Anak, walang ibang anak si balae. Nag-iisa lang si Shanna at yun ang mapapangasawa ng kuya mo," mahinahong sambit ni Gion sa bunso nila. "No! They're lying! Nung bata pa ako no'n nung nagbirthday si Shanna, hindi ko sinasadya na ikutin ang bahay nila dahil masyadong creepy! And then I saw her twin! Dahil kamukha n'ya pero may iba sa mukha n'ya. Yes! magkamukha sila pero hindi mo makikitang masaya yung batang yun! gusto ko siyang maging friend noon pero hindi ko na siya nakita pa!" Inis na inis na sambit ni Aphrodite sa pamilya niya. Wala siyang pakialam kung bastos ang ginawa niya kanina dahil naiirita lang siya dahil alam niyang may mali sa mga kilos ng mga Karlos. "Are you sure?" naninigurong tanong ni Giovanni sa kan'ya agaran naman siyang tumango. "Do you think I'm lying?" Iritang tanong ni Aphrodite at inirapan lang niya ang pamilya niya. Kumunot lang ang noo ni Gaze sa kapatid dahil alam niyang hindi magsisinungaling ang bunso nila. Huminga siya ng malalim at agad na tinawagan ang isang kaibigan. "Come back here tomorrow, and I'll have you do something." Gusto niyang malaman kung yun nga ba ang naka face mask ang kakambal ni Shanna. Gusto niyang makasiguro. - Ilang araw na'kong nakakulong sa kwarto ni Nanay Esme. Ilang araw na rin akong binabangungot nung gabing 'yon. Kung saan iniwan nila ako na parang basura. Kahit ilang beses pa akong maglinis ng katawan hinding hindi na malilinis ang isang maduming tulad ko. Iniisip ko kung mawala na lang kaya ako? Kung tuluyan na akong mawala sa landas nila? Baka mas matuwa pa sila. Baka ikakatuwa pa nila na unti-unti na'kong namamatay. They're my family, right? But why would they treat me like this? Do I deserve this pain? This is excessive. Too much pain. "Iha, kumain ka na. Ilang araw kanang hindi kumakain 'wag mo namang pabayaan ang sarili mo," Ilang araw na rin akong tulala at hindi makausap ng maayos na para bang lahat sila ay sasaktan lang ako. Natatakot na baka maulit ulit ang nangyari nung gabing 'yon. Ni ayoko nga na hinahawakan ako. Ni ayokong may dumikit sa'kin. Nababaliw na ba ako? Mas mainam na siguro na mabaliw ako kaysa mabulok ako sa impyernong lugar na 'to. "Nay, naaawa na ako kay Sheena. Hindi ba pwedeng itakas na lang natin siya rito? Sobra sobra na ang ginagawa nila sa kan'ya!" "Tina anak, hindi pwede. Gusto mo bang mapahamak tayo? At mas lalong mapapahamak siya kapag naitakas natin siya, saka walang mapupuntahan si Sheena." "Pero nay.." "Tina, samahan mo na lang muna rito si Sheena at pakainin siya, okay?" Napayuko ako at napayakap sa sarili. Hindi ko gustong masaktan sila Nanay Esme pero hindi ko pa kaya silang makausap. Ayoko rin namang madamay sila sa gulong nangyayari sa pamilyang 'to. Ayokong pati sila ay saktan nila. Nang maramdaman nilang gusto kong mapag-isa, iniwan nila ako sa madilim na silid na ito. This is my life! Dito ako nabubuhay sa madilim na mundo, sa mundong tinatawag na impyerno. Napahagulgol ako ng bumalik sa mga ala-ala ko kung paano naging impyerno ang buhay ko sa kanila, kung paano nila ako saktan ng paulit-ulit kung paano nila ako pandirihan. Gusto ko ng mawala para matapos na ang lahat ng ito. Gusto ko ng mawala para hindi ko na maranasan lahat 'to. Natigilan ako at dali dali kong kinuha ang gunting saka tinitigan ang talim nito. Nilapit ko siya sa may pulsuhan ko at unti-unti kong sinugatan hanggang sa unti-unti ring lumalabas ang pulang likido. Napangiti ako ng makaramdam ako ng ginhawa. Sa wakas magtatapos na ang buhay ko. "Sheena! Oh my gosh! Itigil mo 'yan!" Natigilan ako at namalayan ko na lang inagaw na sa'kin ni Tina ang gunting na hawak ko kaya napaupo ako habang hinihingal. "Sheena, Ano ka ba naman! Gusto mo bang mamatay?!" Napayakap ako ng makita ang galit niyang mata paparusahan nanaman ako. "S-sorry magtututo na po ako! Basta 'wag niyo lang po akong paparusahan!" umiiyak na sambit ko habang nakayakap sa sarili ko. "Oh my gosh! Sheena!" Naramdaman ko na lang ang yakap niya sa'kin kaya wala akong ginawa kung hindi ang umiyak lang ng umiyak. Bakit pa ba ako nagtitiis dito? Kung pwede namang mawala na lang ako, para tapos na rin paghihirap ko. - A P H R O D I T E "Omg, Babe! Is this real? " Tsk, I just rolled my eyes at her. Bakit ba kasi siya pa papakasalan ni kuya?! Eh halata namang mukhang pera. Tsk. "Sister-in-law, hello," ngumiti siya sa'kin ng matamis pero inirapan ko lang siya at ngumiwi sa kan'ya. "Yuck lang ah? Kahit na kailan hindi kita matatanggap na maging sister-in-law," nakangiwing sambit ko sa kan'ya na agad naman akong sinaway ni Kuya Vanni. "B-babe.. A-ayaw n-n'ya s-sa'kin," mangiyak-ngiyak na sambit niya kay kuya kahit na halata namang nagp-pacute lang siya tsk. "Alam mo b***h, 'wag mo akong dramahan okay? Wala tayo sa teleserye! Saka alam ko na yang gawain na 'yan," nakairap na sambit ko sa kan'ya at sinamaan ko siya ng tingin. "Alam mo bang ayoko sa lahat?" Ngumisi ako ng makita siyang namumutla. "Yung mukhang pera at sinungaling," Mas lalo siyang namutla sa sinabi ko kaya ngumisi lang ako lalo. "Aphrodite," saway ni kuya sa'kin pero inirapan ko lang din siya. "Whatever!" umirap ako at naglakad ako na ako papunta sa kwarto ko at padabog na naupo, tsk. Malaman ko lang talaga na may tinatago ang pamilyang 'yon! Naku matitikman nila ang delubyo ng mga Ezrael! Hindi nako makapaghintay para mawala na yung Shanna na yun, at ang pamilya niya sa buhay namin. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD