DARKNESS - 14

1270 Words
S H E E N A Nagising ako ng parang may humahaplos sa mukha ko, kaya pag-dilat ko mukha ni nanay esme ang nakita ko kaya napabangon ako at niyakap ko siya. "N-Nanay.." sambit ko at maluha luha akong nakayakap sa kanya. Hinaplos naman niya ako sa may likuran ko. "Nandito ako anak.." bulong niya sakin at napa-hiwalay ako sa yakap niya. "N-Nay, patawad! Patawad sa mga nagawa ko, alam kong kasalanan yon pero kasi habang tumatagal naaalala ko lahat, ang lahat lahat ng mga ginawa nila sakin, ang sakit sakit lang kasi pamilya ko pa mismo ang gumaganito nito sakin.." umiiyak na sambit ko sa kanya. Inangat naman niya ang mukha ko at pinunasan niya ang mga luha ko. "Hindi ko alam kung bakit ginaganito nila ako, hindi ba pamilya ko sila pero bakit ganito? P-Parang tratuhin nila ako parang hayop," dagdag ko pa. Nginitian niya ako at hinaplos ang buhok ko. "Anak, kung kikitilin mo ang buhay mo, hinding hindi mo mahahanap ang sagot sa mga katanungan mo, hanapin mo ang sagot at maging masaya ka.." Nakangiting sambit niya sakin. "Huwag mong hayaan na kainin ka ng kadiliman, hanapin mo ang liwanag. Ang liwanag ng pag-asa.." Hinaplos niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. "Kahit hindi man tayo magkasama, basta tatandaan mo na palagi lang akong nakabantay sa inyo, be brave and be happy.." Nginitian niya ako at naglakad na siya patungo sa ilaw. "Nay? Saan ka pupunta? NAY!" habol ko sa kanya pero nginitian lang niya ako at kumaway sakin atsaka ako napapikit dahil sa sinag ng liwanag. "S-Sheena?" "NANAY!" sigaw ko at napabalikwas ako ng bangon pero walang nanay ang sumalubong sakin. "Sheena?" Nilingon ko si tina at hinawakan ko siya sa kamay. "T-Tina, si nanay esme? Nandito siya hindi ba? kasama mo siya hindi ba? Kausap ko siy kanina!" Natatarantang sambit ko sa kanya. Malungkot niya akong tinignan. "Nananaginip ka lang sheena" seryosong sambit niya. Umiling ako sa kanya at napatayo sa kinahihigaan ko. At tumakbo ako palapit sa pintuan. "Sheena! Ano ba! Hindi ka pa magaling! Bumalik ka dito!" rinig kong habol sakin ni tina pero hindi ko siya pinakinggan at binuksan ko ang pintuan at sumilip pa ako sa labas pero walang tao kaya nanlumo akong pumasok ulit. "Sheena! Jusko! Nagdudugo ang pulsuhan mo! Bumalik kana dito!" Seryosong sambit ni tina sakin. Tinignan ko siya. "Si Nanay esme? Nandito siya hindi ba tina? Lumabas lang ba siya sandali? O papunta pa lang? nasa mga ezrael din ba siya?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya at hinawakan ko pa siya sa kamay. Umiwas naman siya ng tingin sakin. "T-Tina, nasan si nanay esme? Kausap ko lang siya kanina" nangingiting sambit ko sa kanya. Umiling lang siya sakin. "Panaginip lang yun sheena, Sige na mahiga kana ulit hindi ka pa magaling," sambit niya at inalalayan niya akong maglakad. "H-Hindi panaginip yon tina, nakausap ko siya. Nasaan ba siya? gusto ko siyang makita" sambit ko ulit sa kanya. Napapikit naman siya at nagtaka akong bigla siyang naiyak. "Sheena please? Magpahinga kana muna" naiiyak na sambit niya sakin. Hinawakan ko siya sa kamay kaya natigilan siya sa pagaalalay sakin. "Tina, a-anong nangyari? Anong meron? Bakit hindi ka sumasagot? Nasan si nanay esme?" sunod sunod ulit na tanong ko sa kanya. Iiwas ulit siya sakin ng pigilan ko siya. "Sagutin moko tina, nasan si nanay esme?" Tanong ko sa kanya. Bigla na lang siya napatakip sa bibig niya at naluha na siya. "Sheena, wala na siya.." Anong wala na siya? Ano ang ibig niyang sabihin? "Anong wala na siya? wala na siya sa pamilya ko? kung ganon nasan siya? Tina naman oh!" Pagmamakaawa ko sa kanya. "Sheena, wala na si nanay.." "Anong wala?! Bakit hindi moko diretsuhin!" sigaw ko sa kanya na nagpaiyak sa kanya lalo. "Dahil patay na siya!" Umiiyak na sigaw niya. Napaatras ako sa kanya at umiling iling ako sa kanya.. "Patay na? Anong sinasabi mo? May sakit ba siya? Ohmygod! Bat di niya sinabi sakin noon?" Napapailing na tanong ko sa kanya mas humagulgol siya ng iyak. "Tina? Anong sakit niya?! Sa puso ba?!" Umiling siya sakin kaya mas lalo akong nanghina. "Wag mong sabihing.." Tumango siya habang umiiyak. "Oo sheena! Pinatay siya, pinatay si nanay.." Nanghina na ako ng tuluyan, napaupo nako sa sahig at aalalayan niya sana ako ng tabigin ko siya. "H-Hindi! H-Hindi t-totoo y-yan!" umiiling na sambit ko sa kanya.. at napahagulgol nako ng tuluyan. "S-Sana nga, sana ganun lang sheena sana nga panaginip na lang ang lahat, sana ilusyon lang ang lahat ng ito, sana hindi totoo na nilibing ko siya pero hindi.." napatakip siya sa bibig niya at gumapang papalapit sakin habang humahagulgol ng iyak. "P-Patay na siya sheena., patay na ang nanay natin! Pinatay siya mismo sa harap ko! kitang kita ko ang pagtama ng baril sa ulo niya! Kitang kita ko ang pagbagsak niya, kitang kita ko kung paano siya nawalan ng buhay sa harap ko.." umiiyak na sambit niya sakin. Natulala na lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. "P-Pinatay b-ba siya ng pamilya ko?" nakatulalang tanong ko sa kanya. "Tina, pinatay ba siya ng pamilya ko?" Panguulit ko sa kanya. Tumango tango lang siya sakin habang umiiyak. Parang akong nawalan ng buhay sa mga nalaman ko.. Parang mas lalong bumagsak ang pagasa ko para mabuhay. Dahil.. Ang kaisa isa kong magulang wala na.. Wala na ang taong nagaruga at nag-palaki sakin. "Ginahasa siya ni mr.karlos, paggising ko nakita ko na lang binubugbog na siya ni mrs.karlos at nakita kong bumunot ng baril si mrs.karlos at binaril niya si nanay.." humihikbing saad niya. Natulala na lang ako habang nakikinig sa kanya. "Maniwala ka sakin, totoo ang sinasabi ko kinulong nila kami para tanungin kung saan ka nila mahahanap kung may alam ba kami tungkol sa pagtakas mo.." Dagdag pa niya. Nilingon ko siya at walang buhay ko siyang tinignan. "Tina.." tumingin siya sakin at lumapit siya sa pwesto ko.. "Ginahasa ka din ba ng ama ko?" walang buhay na tanong ko sa kanya. Napayuko siya at hindi sumagot. "Inuulit ko, ginahasa ka din ba ng ama ko?" Panguulit ko sa kanya. Napaiyak nanaman siya. "O-Oo.." Napasuntok ako sa sahig at napasigaw ng malakas. "AAAAAHHH! BAKIT?! BAKIT SILA PA?! BAKIT NADAMAY SILA?! AAAAAHHHHH!" sigaw ko at pinaghahampas ko ang sahig.. Niyakap naman ako ni tina pero pinagpatuloy kong hampasin ang katawan ko at mukha ko at sapukin ang ulo ko. "AAAAAHHHH! SANA AKO NA LANG! SANA AKO NA LANG ANG KINUHA NIYO! SANA AKO NA LANG!! AAAAHHHHHH!" Humigpit lang ang yakap sakin ni tina at pinipigilan ako na saktan ang sarili ko. Kasalanan ko! Kasalanan ko lahat! Kung hindi lang ako tumakas Sana.. Sana.. Sana buhay pa si nanay esme! Sana hindi nasaktan ang kaibigan ko! Ako ang may kasalanan ng lahat! Ako! Ako dapat ang sisihin dito! Jusko po! Nanay esme patawad! Patawad! "Sheena, huwag mong sisihin ang sarili mo okay? Ang mahalaga, tahimik na si nanay at wala na tayo sa mga karlos.." pagpapakalma sakin ni tina napayakap naman ako sa kanya at napahagulgol na lang ako. Bakit kung sino pa ang inosente? Yun pa ang nadadamay? Bakit kung sino pa ang mabait? Sila pa ang ginagawan ng masama? Mariin kong pinunasan ang mga luha ko. Bibigyan ko siya ng hustisya! Hindi ko hahayaan na mawala na lang ang sakripisyo niya para samin ni tina. "Tina, pinapangako ko sayo at kay nanay esme na bibigyan ko kayo ng hustisya, makakamit ni nanay ang nararapat sa kanya.." mariin na sambit ko sa kanya. Tumango tango siya sakin at nginitian ako. Makakamit din namin ang hustisyang karapat-dapat samin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD