CHAPTER 2: SHE'S CRAZY

1558 Words
GIA Napabalikwas ako nang makita ko ang oras. Hindi tumunog ang alarm ko. Hala! Male-late ako sa programming 1, major subject pa naman. Agad akong bumangon at nagtungo sa CR, naliligo na pala si Sydney. “Chill, Gii! Malapit na rin sigurong matapos ‘yon.”Para akong timan na pinapakalma ang aking sarili. Wala na akong time kumain ng breakfast. Nag-toothbrush na lang ako habang hinihintay siyang matapos. Anak ng tokwa! 8:48 na, hindi pa rin siya matapos maligo. Ang tagal naman n’ya! Hindi na ako nakapagpigil at kinatok ko na. “Puwede, pakibilisan?” “Oo, heto na!” Maya-maya ay lumabas na siya na naka-pink na bathrobe. “Oh! Ayan, tapos na!” Hindi na ako nakipagtalo at agad na akong naligo. Dapat pala mas mauna akong magising sa kan’ya. Pagkatapos ng labing-limang minuto na pagligo. Labing-limang minuto na lang time na. Binilisan ko ang pagkilos. Napatingin ako sa kan’ya na todo ayos sa sarili. Nakabihis na ako at palabas na ng pinto. Siya ayon nasa salamin pa. Napahinto ako nang marinig ko siya. "Wait!" Sabay na kaming nagtungo sa classroom at nang makarating kami ay nag-separate na. Ka-block namin si Stacey, tabi ulit kami. Inookray na n’ya ako. “Girl, maganda ka lalo pa kung mag-aayos ka." "Simplicity is beauty." Ngumiti ako. Maya-maya ay dumating na ‘yong instructor namin. Pagkatapos ng introduce yourself ay agad na siyang nag-lecture. Pagkatapos ng klase namin ay mag isang oras pa kaming break bago ang susunod na klase namin. Niyaya ako ni Stacey na pumunta sa canteen, magbo-boy hunting daw siya. Kaloka lahat ng dumadaan na lalaki sa table namin ay nire-rate ba naman niya, from one to ten. Natatawa ako sa kan’ya lalo na kapag nag-ge-gay lingo siya. May papalapit sa table namin na good looking guy, ten ang score na ibinigay sa kan’ya ni Stacey. “Girl, papalapit sa atin si Fafa Paul Allen Astilla. Sikat na dancer ‘yan sa engineering.” Napatingin ako sa paligid, pinagtitinginan kami. Ganito ba kasikat ‘to? Ayon kay Stacey, second year na raw siya. Maya-maya ay nasa tapat na siya ng table namin. “Hi!” “Hello!” Bati ni Stacey na nakipag- shakehands pa. Nakipagkamay din siya, pero ang kan’yang mga mata ay nakatingin sa akin. “Hi there! Freshman?” “A-ah, oo.” “May I know your name?” Napatingin ako kay Stacey, nakangiti siya at tumango. “I'm Gia, Gia Gatchalian.” “Nice to meet you, I'm Paul Allen Astilla!” Sabay bitaw sa kamay ni Stacey at agad naman siyang nakioagkamay sa akin. "Akala ko you came for me, pero parang sa kaibigan ko pala." Pabebeng wika n’ya habang inaamoy-amoy pa ang kamay. Tumawa na lang si Paul at tinanong kung puwede siyang makiupo. Pumayag naman kami. Sumabay siya sa amin kumain at nakipagkuwentuhan. Hindi ako masyadong makakilos dahil pakiramdam ko halos lahat nakatingin sa amin. Kilig na kilig naman si Stacey habang naglalakad kami patungo sa susunod naming klase. “Hindi pa rin ako makapaniwala na makakausap at makakasabay natin siyang kumain. Ang guwapo at ang bango-bango n’ya!” Natatawa at napapailing na lang ako. "Girl, type ka ata ni Paul. Kita ko sa way na tumingin siya sa iyo." Nagulat naman ako sa sinabi n’ya. "Hays! Stacey. Puwede ba? Huwag mong bigyan ng malisya ‘yon. Friendly lang ‘yong tao and besides I have no plan na magpaligaw. I came here to study." "Girl, ang love biglaan ‘yan hindi mapipigilan, ahem!" SYDNEY Bukas pa pala ‘yong Algebra naming, pinaghirapan ko pang gawin ‘yong assigment ko. Ang sipag kasi ni roommate kaya pati ako nahawa. Nag-text si Kristoff, agad ko naman siyang pinuntahan. Halos lahat ng mga kalalakihan sa university na ito ay naiinggit dahil sa siya ang boyfriend ko, pero hindi lahat ng mga kababaihan ay naiinggit sa akin. Dahil bukod kay Kristoff may isa pang sikat sa university na ito, si Paul Allen. Oo, siguro mas sikat siya, pero he's not my type. Mahal ko si Kristoff and for me, he's the only one damn hot man in this university. He kissed me in front of our room. “PDA naman nila...” I heard someone said that. “Paki niyo! Inggit lang kayo.” Hindi ko alam, siguro liberated lang ako. I’m a party girl and I’m used to it. “Babe, mamaya party tayo?” “Tara, girls?” “Game!” Yeah! We're party girls but we're not what you think we are. That's a different story. Pagtapos ng klase ay dumiretso kami sa bar. Ang daming tao, puro student ng iba't-ibang school. Nag-order na kami at inumpisahan na ang inuman. “Cheers!” Party all night kami, kasama rin naman ang ibang kaibigan ni Kristoff. May kasabay naman akong uuwi sina Chloe, sa second floor ang room nila. Madami na rin kaming nainom. Sobrang ganda ng kanta kaya napasayaw ako sa dance floor. “Ang galing talaga sumayaw ng girlfriend ko!” Sumayaw kami at hinalikan n’ya ako, it was passionate. I responded. He's holding me at my waist and I was holding his nape. “Whoa!” The people around us are screaming. Maya-maya ay umupo na muna kami nahihilo na rin kasi ako. Ang daya kasi nina Chloe at Daphne hindi nakipagsabayan. “Kristoff ,we have to go! It's already 10:24 PM,” wika ni Chloe. “I know. Hatid ko na kayo!” Offer n’ya. “No, you're drunk. Mag-taxi na lang kami,” wika naman ni Daphne. “Okay! Kayo na ang bahala sa babe ko?” “Yeah!” Tugon ni Chloe. DAPHNE Lasing na lasing si Syd, buhat namin siya ni Chloe. “Ang bigat mo, Syd!” Reklamo ni Chloe. “Kaya nga!” Buti na lang nakasakay agad kami. Sa taxi nag-bubble gum at perfume kami para hindi mahalata ni kuya guard. Dadaanin na lang sa charm para makapasok. Pumara kami sa medyo malayo pa sa gate ng dorm. "Umayos ka, Syd!" Wika ni Chloe. “I have a plan! Ganito! Daanin natin sa charm. Sasabihin ko na galing ako sa province, na late ang biyahe kaya late umuwi. Tapos dadalhin ko si kuya guard roon, kunwari papa-help na hanapin ang nahulog kong earrings tapos ikaw ipasok mo na si Syd sa room n’ya” “Hayop! Ang galing, ah! Sige-sige” Ginawa namin ang plan at umayon naman. Naihatid na n’ya si Syd at nasa room na rin namin kami. “Ang bigat ni Syd.” “Nagising ba ‘yong roommate n’ya?” “Hindi. Ang sarap ng tulog, nio hindi nga nagising nang hiniga ko na si Syd.” “Good! Matulog na rin tayo.” “Good night!” GIA Nasa dorm na ako at nagluto na ako ng dinner. Good for two para kay roommate na rin. Alam ko hindi siya nagluluto nakuwento n’ya kagabi kaya laging sa labas kakain ‘yon. May kusina rito sa dorm puwede kaming magluto hindi gaya nang ibang dorm. Seven o’clock na ng gabi wala pa siya. Kung aantayin ko siya baka magka-ulcer pa ako. Titirhan ko na lang siya. Ten o’clock ng gabi ang curfew dito sa dorm. Mukhang male-late na naman iyon. Tinakpan ko ‘yong food n’ya at naglagay ako ng sticky note saying, “Kain ka na para sayo ito. Sana magustuhan mo!” Mabuti na lang at walanbg assignment, makakapagpahinga ako nang mas maaga. Patulog n asana ako nang biglang tumawag si mommy. “Sorry, anak. Hindi ako nakatawag kahapon at hindi nakaka-reply sa text mo. Good to hear na okay ka lang at may new friends ka na.” “Okay lang po ‘yon! Namo-miss ko na kayo lalo na ‘yong luto mo. Opo, mommy. I'll be fine here. Kayo, kumusta po kayo r’yan?” “Okay naman kami ng dad mo. Ito pala gusto kang kausapin.” “Anak, kumusta ka?" “Okay lang po, Dad. Nakaka-miss po r’yan, pero nakakapag-adjust din po ako rito.” “That's my girl! Ingat ka r’yan! Mag-text at tumawag ka kung may kailangan ka. I miss you, anak ” “Opo. I miss you too, Dad.” “Oh! Kausapin ka raw ng mommy mo. ” “Kumusta ka naman sa dorm, anak? Okay naman ba ‘yong roommate mo? Kumain ka na? ” “Okay naman po ako rito. Mabait naman po siya. Opo, kayo po?” “Ah, buti naman. Sige, anak. Magpahinga ka na, kakain pa lang kami.” “Eat well po.” “We love you, anak.” “I love you too po.” Nakaka-miss sila, napaluha ako kasi first time kong mawalay sa kanila. I need to be independent. Natulog na ako. Kailangan unahan akong magising sa kna’ya bukas para hindi ako todo rush. Ang pangit sa feeling no’n. Ang ganda ng panaginip ko kasama ko raw ‘yong soulmate ko. Hindi ko masyadong maaninag ang kan’yang mukha. Marahan n'yang hinawi ang aking buhok at hinalikan ang aking labi. Teka! Bakit parang totoo? Nararamdaman ko at bakit parang may nakapatong sa akin? Pagmulat ang aking mga mata ay laking gulat ko, her lips on mine. Bigla ko siyang tinulak at napahiga sa sahig. Lasing na lasing siya. Paano siya nakauwi rito? Sh*t! Napahawak ako sa aking labi. What!? First kiss ko ang party girl na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD