chapter 04 looking forward

1581 Words
naging madalas na ang pakikipag lapit ni neilmar sa Kanya. hindi pa Man ito pormal na nag sabe sa Kanya na Gusto sya nito ay yon naman Ang pinapakita nito.. tuwing hapon inaabangan sya nito para ihatid pero sa tuwina ay tinatanggihan nya ito.. at lagi rin itong nagbibigay ng bulaklak na lagi rin naman niya binibigay kay divine.. ayaw nya masaktan ulit kaya ganon ang mga pagtanggi nya. ayaw nya Man aminin ay nang dahil sa sinabe noon ni jerson na walang lalaki magkagusto ng totoo sa Kanya ay nawala ang confident nya sa sarili.. palabas na ng hotel si frans ng makita nya ulit na andon na naman si neilmar nag aantay sa Kanya.. Hindi paba nagsasawa kaka antay Ang lalaking ito. saisip nya frans"pwede ba kita yayain kumain sa labas? tanong na yaya nito naiinis siya dahil napaka kulit nito kaya Di nya sinadya na mataasan ito ng boses. bakit ba ang kulit mo". sinabe kona na ayaw ko at tigilan muna ako".. naiinis na sabe nya dito at napayuko naman ito. dahil marami na palang tao sa paligid na nakatawag na sila ng pansin dahil sa pagtaas ng boses nya.. napalingon si frans. nakatawag pansin na pala sila at nahihiya sya. dahil manager nila Ang tinaasan nya nang boses.. hindi nya naman yon sinasadya. naiinis Lang talaga siya dahil sa pangungulit nito.. I'm sorry kung nakukulitan kana sa akin" yayain Lang sana kitang kumain dahil birthday ko at wala naman akong pamilya na kasama Mag celebrate ng kaarawan ko.. turan nito sabay talikod paalis nakukusinsya naman si frans sa ginawa nya kaya Dali dali nya itong hinabol.. niel" saglit. I'm sorry sa ginawa ko kanina". sigi pumapayag na akong kakain tayo sa labas.. wika nya dito nakita nya nangislap Ang mga nito. gwapo si niel at mabait magaling makisama. sa loob ng tatlong linggo nito sa pagiging manager nila ay malapit na ito sa mga empleyado doon. dahil pala kaibigan ito. salamat frans"ito yong pinakamasaya kaarawan sa buong buhay ko.. nakangiting turan nito na nakatingin ng masuyo sa Kanya dinala naman sya nito sa mamahaling restaurant. kaya nahihiya sya sa suot nya.dahil nakikita nya ang mga kababaehan doon na puro ata mayayaman.. sya Lang nagmumukhang iwan duon.. napansin naman sya ni niel na nag aalangan at nahihiya sya. frans "pasok na tayo.wagka mahiya dahil para sa akin....." ikaw Ang pinakamaganda dito na nakikita ko.. masuyong turan nito napatingin si frans dito.. sinusuri nya Kung nagbibiro Lang ito.. mula nang nasaktan sya ay parang hirap na syang maniwala at magtiwala muli... pumasok na nga sila sa loob at nang ihatid na sila ng waiter sa kanilang upoan at pagkatapos kinuha Ang ordered nila ay nahimik Lang si frans. wala naman kasi syang alam na topic na pwede nilang pag usapan isa pa naiilang sya sa titig ng lalaki.. alam mo frans" nong una kitang nakita sa daan Di kana nawala sa isip ko. wika nito pero nakatingin Lang sya dito. Hindi nya alam kung ano Ang isasagot dito. salamat pala sa pagpayag mo sa paanyaya ko dito ha.. sinamahan MO ako sa kaarawan ko. "at least ngayon hindi ako nag iisa.. nakangiting turan nito pero ramdam ni frans and lungkot nito. bakit nasaan na pamilya MO.. di nya napigilan itanong ito dito. hindi ko alam.. "lumaki ako sa bahay amponan at umalis ako dun sa edad na sampong taon palang para sa labas mamuhay..wika nito na kinagulat ni frans hindi lang pala sya pati pala ito ay galing din sa amponan... pareho pala tayo. "ako rin sa bahay amponan lumaki. "at si mother fely na Ang tumayong ina ko.. malungkot na turan nya dito.. si Neil naman Ang nagulat..at napangiti ito.. frans "iisa lang pala pinang galingan natin.. dun din kasi ako galing. at si mother fely din Ang tumatayong ina ko noon "pero matagal na rin akong hindi bumalik duon nahiya ako kay mother fely. dahil tumakas Lang ako noon nang araw na May aapon sana sa akin.. malungkot na pag kwekwento nito.. talaga Ang liit talaga ng mundo noh!gusto mo ba dumalaw duon sa weekend. "tanong nya. hindi ba nakakahiya '"turan nito. hindi! sigurado matutuwa si mother fely Malaman na bumalik ka. na isang matagumpay na"".. nakangiting turan nya dito. nang dumating na Ang kanilang order ay magana na silang kumain. nawala narin ang pagkailang ni frans sa lalaki.dahil sa nalaman nya ay parang gumuho Ang pader na nakaharang sa pagitan nila.. parang May koneksyon sila. dahil pareho sila nang pinanggalingan at pinagmulan.. araw nang sabado ay maagang dumating si niel sa tinutuluyan nya dahil usapan nila maaga dadalaw sa bahay amponan.. mula nang nalaman nya Ang buong pagkatao nang lalaki ay naging magkalapit na sila.. tuwing uwian pumayag na syang ihatid nito o kaya kakain sila sa labas.. alam ni frans na nagtataka na si divine sa kinikilos nya dahil ang alam nito ay inis sya sa lalaki pag kinukulit sya nito.. tuwing magtatanong si divine ay sinasabe nya nalang na mabait at mabuting tao naman si neilmar at walang masama Kung makipag kaibigan sya sa lalaki.. pagkarating sa bahay amponan ay sinalubong ng mga bata si frans at tuwang tuwa Ang mga ito sa dala nilang pagkain.. maraming binili si neil. nakita nya masaya nagkwentuhan si niel at si mother fely. at nalaman ni frans nang araw na dumating sya ay yon ding araw nang pagtakas ni niel.. hindi narin sila nagtagal pa doon..nang nasa byahe na sila ay pareho silang nakangiti.dahil natutuwa sila sa pagbisita sa mga bata at sa pakipaglaro sa mga ito.. frans sa sunod balik ulit tayo dun ha"natatanggal pagod ko kapag nakasama ko Ang mga bata "nakangiting turan nito nasa May coffee shop sila nag memeryenda bago sya ihahatid nito.. sure. "masaya din naman ako pag kasama ko mga bata.. "sagot nya alam mo "pag ako nag kaasawa Gusto ko maraming anak para masaya.. kaya nga ako nag iipon para sa kinabukasan ng magiging mga anak at asawa ko.. nangingiting wika nito. Mag asawa kana" nasa tamang edad kana rin naman eh"".. sagot nya pero nalulungkot si frans sa nalaman baka nga May girlfriend na ito ngayon. dahil mula nang naging malapit na sila ay Hindi na ito nagbibigay ng bulaklak. sa dalas ng pagsasama nila Kung saan saan at kumain sa labas at pamamasyal ay Di maiwasan ni frans na mahulog Ang loob nya dito at dahil din kay niel nakalimutan nya Ang sakit ng nakaraan. gwapo at mabait ito sinong babaeng hindi mag kagusto dito.. gusto ko na nga sana frans "kaya Lang hindi pa ready Ang babaeng gusto kung pakasalan.. wika nito na mataman na nakatingin sa Kanya. mas lalong nalungkot si frans..dahil tama sya nang naisip May babae na itong gustong pakasalan.. matuling lumipas Ang mga araw.. apat na buwan na Pala silang magkaibigan ni niel sa mga araw na lumipas ay mas lalong nahuhulog Ang loob ni frans dito.. natatakot na sya na baka masaktan Lang siya kapag malalaman nya na ikakasal nalang ito. kaya naisipan nya na dapat nya na itong iwasan habang kaya nya pa.. kaya nang yayain sya ni niel na mamasyal bago sya ihatid ay tumanggi sya.. dahilan nya pagod sya at Gusto nya maaga Mag pahinga.at sinabe nya rin dito na kay divine nalang sya sasabay pag uwi.. alam ni frans na nagtataka na si niel sa kinikilos nya. dahil madalas na Ang pag tanggi at pag iwas nya dito.. frans "pwede ba tayo mag usap? tanong ni niel ano yun."pag kukunwaring turan nya May problema ba tayo? bakit mo ako iniiwasan.? tanong ulit nito. hindi naman kita iniiwasan.naging busy lang talaga ako". pagsisinungaling nya alam ko frans iniiwasan mo ako. "please sabihin MO naman sa akin oh. hindi yong Mag mumukha akong tanga.! turan nito na nawalan na ng pasensya sa Kanya naiinis narin sya. dahil kung umasta ito ay parang syang May ginawang kasalanan dito. ano bang gusto mong malaman ha..? gusto Kong malaman kung bakit iniiwasan MO ako.. may nagawa ba akong kinagalit mo "wika na tanong nito yon na nga ehh! "wala kang maling ginawa "at dahil doon hindi ko maiwasan mahulog Ang loob ko sayo."" turan nya. huli na nang mapagtanto nya Ang mga sinabe nya dito.. gusto man nyang bawiin Ang sinabe pero malinaw na narining na nito.. totoo ba frans 'na gusto MO ako? masayang tanong nito. narinig muna diba.. kaya please iwan muna ako. at hayaan mo nalang ako.. Hindi ko naman guguluhin Ang babaeng gusto mo eh.. naiiyak na turan nya.. nahihiya at nalungkot sya kaya kusang tumulo Ang luha nya.. at saan mo naman nakuha ang edeya na May ibang babae na akong gusto?tanong nito.. napatingin nalang sya dito.. dahil hindi nya alam Ang isasagot sa tanong nito. Ang saya ko frans "napakasaya ko na malaman na gusto MO rin ako.. dahil matagal na kitang mahal.. hindi ko Lang alam Kung paano ko sabihin sayo.. lalo na nung nagkalapit tayo.. baka pag sinabe ko sayo ay iiwasan MO ako.. masayang turan nito habang gagap Ang kamay nya. mahal MO ako? ibig sabihin ako yong babaeng tinutukoy MO na """ yes ikaw yon frans at wala ng iba.. sagot nito na dina sya pinatapos pa sa pagtatanong.. mahal mo ba ako.. please frans sabihin MO naman OH. matagal ko nang gustong marinig na Mahal MO rin ako.. mahal din kita niel.. "at sana hindi mo ako sasaktan tulad ng lalaking una kung pinagkatiwalaan.. turan nya dito.. hinding hindi kita sasaktan frans pangako.mamahalin kita habang buhay..madamdamin wika nito.. to be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD