magkakilala pala sila. Ang dami talagang kakilala Ang tita na mayayaman. saisip nya
ate frans... sigaw ni gesell
napalingon ako ng makita ko Ang pinsan Kong ito.. napakulit talaga nito... kahit papano minsan nakakalimutan ko ang bigat na nararamdaman ko kapag nakita ko ang masayang mukha nito na akala MO walang problema sa mundo.pero kapag nag iisa nalang ako nararamdaman ko parin Ang kirot. dalawang linggo na ang lumapas pero ang sakit sakit parin..
bago ako tuluyang pumasok tiningnan ko muna sina tita at Sir franco. bakit kaya napa seryoso ng usapan nila.. tila mukhang galit na galit si tita..
ate frans"ilang araw ng pa balik balik dito si kuya neil.. kwento ni gesell pag kaupo nya.
napatingin sya dito..
anong kailangan nya gesell.. tanong nya
diko po alam kay mamay".. tuwing pupunta yun dito pinapaalis ni mamay..sagot nito.
tumango lang ako dito.tama lang ang ginawa ni tita..ayaw ko na siyang makita pa..Minahal ko sya pero niloko nya lang ako..ganito ba talaga ang basihan sa pakikipag relasyon kailangan ibigay mo pati pangangailangan nila bilang lalaki para hindi na Sila hahanap ng iba o sadyang hindi lang ako Kamahal mahal tulad ng sinabe ni jerson ..Kaya nga ba nakuha nya akong lukuhin.. naiiyak Nya tanong sa sarili
gesell" papasok muna ako sa kwarto ha.. gusto ko muna Mag pahinga.. paalam nya dito. dahil ayaw nya makita nito Ang mga luha nya. nakatulugan nya na ang pag iyak
samantala galit na pinagtabuyan ni Loraine si franco dahil ito ang dahilan Kung bakit namatay ang kanyang nag iisang kapated..
anong ginagawa mo dito."umalis kana "ikaw ang dahilan Kung bakit namatay si Elaine.. dahil sa panluluko mo.kaya Di nya kinaya ang lungkot hanggang sa binawian na sya nang buhay.. galit na turan nito
Loraine patawad di ko sinadya ang mga nangyari' noon.kahit Kailan ay diko niloko si Elaine Mahal na mahal ko sya.... ako Man ay nagdusa din Loraine.
anong magaggawa nang sorry MO ha "wala na sya. hindi muna mababalik Ang buhay ng kapated ko "kung nagdusa kaman kulang pa yan sa ginawa mo sa Kanya"kung alam ko lang.hindi na sana ako pumayag noon na sumama sya sayo. wika nito
hindi ko kailan Man niloko si Elaine.. mahal na mahal ko siya.. nung araw na umalis sya ay nakipag matigasan ako sa mga magulang ko.gusto nila akong ipakasal kay Stephanie pero di ako pumayag... umalis ako sa engagement party dapat namin .nang araw ding yun nagtatalo kami ni Step sa loob ng hotel room at nagpakamatay sya..napagbintangan ako at nakulong ng tatlong buwan..pag labas ko may litratong binigay Ang mga magulang ko..
litrato ni Elaine na May kasamang lalaki..
pero alam mong hindi yon magagawa ng kapated ko. turan ni Loraine
Oo noong una naniwala ako.. dahil ni minsan Hindi Man lang ako nagawang dalawin ni Elaine sa kulungan..pero huli na nang malaman ko ang totoo..pinuntahan ko Kayo sa dating tirahan nyo at nalaman kong wala na si Elaine."". turan nyang parang may bikig ang lalamunan kapag naalala nya ang mga nangyayari.
hinintay ka ni Elaine...hinintay kang puntahan mo sya at magpaliwanag sa Kanya..hanggang ginupo na sya nang lungkot at di nya kinaya pa hanggang """". umiiyak na turan nito.
masakit din sa akin Ang nangyari sakanya pinagdusahan ko iyon .. nang nalaman ko Ang nangyari kay Elaine sinisi ko Ang sarili ko..hindi ko matanggap.. nang gabing yon nagpakalasing ako..at nabangga Ang sinasakyan ko..anim na taon akong Di makakita at naging inbalido ..""umiiyak na rin na turan Nya.
nawalan na ako nang pag asa noon.. nang malaman ko na buhay Ang anak namin hinanap ko ito.pero talagang pinag kaitan ako nang pagkakataon. alam kong hindi muna ako mapatawad ako man ay Hindi ko mapatawad ang sarili ko..
Loraine gusto ko mag pakilala sa anak ko..gusto Kong bumawi sa lahat nang pagkukulang ko sa Kanya at kay Elaine.. please hayaan mo akong maging ama sa Kanya..
pinangako ko kay Elaine na Hinding hindi kita ipakilala sa anak nyo.. pero kailangan ka ni frans ngayon.mabait na bata si frans. ayaw nya makita nang iba na nalulungkot o nasasaktan sya.. pinapakita nya na ok lang sya na nakakangiti sya. pero alam ko nasasaktan sya ngayon"alam ko ikaw lang makakatulong sa kanya. mahirap lang ako at wala akong maiitulong sa Kanya.. umiyak na wika nito
pagkatapos nilang Mag usap ni Franco ay napagkasuduan nila na si Loraine na magpaliwanag Kay frans at babalik nalang sa isang araw si Franco para makausap at masundo si frans...
bandang alas 6 ng hapon na nagising si frans..apat na Oras narin syang nakatulog. hindi nalang sya ginising ng tita nya para makapagpahinga dahil ilang araw din syang Di nakakatulog sa mga pinagdadaanan nya..
lumabas sya ng kwarto ng makarinig sya nang ingay sa labas..
ate frans "buti gising kana" Dyan si kuya Neil nag pumilit kang makita at kausapin"pinapaalis ni mamay.. bungad ni gesell
dali dali syang lumabas at Bumababa.." anong ginagawa mo dito?umalis kana ayaw na kitang makita pa.'turan nya. parang naawa si frans sa hitsura nito. ang haba na bigote at nangayayat ito idagdag pa na mukhang hindi na ito naliligo. nawala na ang dating neil na mabango at gwapo at malinis sa katawan.
frans "please kausapin mo ako, "pagmamakaawa nito...alam kung nagkamali ako pero diko ginusto yun" Mahal na Mahal kita frans "please babe kausapin mo ako.
ano pang dapat nating pag usapan ha neil? akala ko iba ka."akala ko hindi ka katulad ni jerson.pero tulad karin pala nila.ang pinagkaiba nyo lang ay minahal
kita nang subra.kaya ang sakit sakit dito.. turan nya sabay turo sa dibdib
hayaan mo akong mag paliwanag"wika nito sabay hawak ng mga kamay nya.nakalapit na ito sa Kanya.
umalis kana neil "narinig mo naman siguro ang tinuran ng pamangkin ko diba "kaya umalis Kana.madiin na turan ni tita Loraine.
tita please ""Gusto ko Lang kausapin si frans"pagmamakaawa nito
tumango ako kay tita.. gusto ko narin kausapin si neil. para matapos na ito.gusto ko malaman Kung bakit nya ako nagawang lukuhin at sa kaibigan kopa. alam Kung hindi titigil si neil kakabalik dito kapag iniiwasan ko parin sya.. nang umakyat si tita ay niyaya ko si neil sa May puno nang mangga. may upuang kawayan doon. at umupo kami.
sigi neil ipaliwanag mo Kung bakit nagawa mo akong lukohin at sirain ang relasyon natin.. umpisa nya
tumikhim muna ito bago nag umpisa magsalita..
nang gabing tumanggi ka sa proposal ko sumama ang loob ko.. napadaan ako sa isang bar. uminom lang ako noon pero diko namalayan na naparami na nainom ko.. tumawag ang waiter sa number na ginagamit mo.. pero si divine ang nakasagot.sinundo nya ako at dinala sa pinakamalapit na hotel. Ang buong akala ko nang gabing yon ay ikaw Ang Kasama ko frans.. may nangyari sa amin.. isang bisis lang May namagitan sa amin..at diko ginusto yon.. please patawarin muna ako baby.ituloy natin ang kasal. ikaw ang mahal ko. mahabang turan nito.
mataman lang nakikinig si frans.. ang puso nya ay parang dinudurog sa sakit sa mga naririnig.kung sa ibang babae o pagkakataon ay kaya magpatawad at ituloy ang kasal dahil pwede naman suportahan lang ang bata. pero hindi si frans. lumaki syang walang magulang na nag aalaga sa Kanya alam nya ang sakit at pangungulila kapag makita nya mga kaklasi nya noon na buo ang pamilya.. makakaya nya Bang tanggalan ng karapatan Ang batang magkaroon ng kumplitong pamilya dahil lang sa pag ibig nya.. kaya nya ba makita na May batang isisilang palang ay walang ama..Hindi! hindi nya hahayaang mangyari yon..
neil alam mo Kung gaano kahirap ang walang magulang.dahil naranasan natin yun..Makakaya mo bang walang buong pamilya Ang magiging anak mo.? ako neil hindi "hindi rin tayo magiging masaya kapag tinuloy natin to..umiiyak na wika nya
pero mahal kita frans "paano na tayo?.."paano na mga pangarap natin. turan nitong umiiyak habang mahigpit na hawak Ang kamay nya.
kalimutan muna ako neil. "panagutan mo si divine "panagutan MO ang anak nyo "at sana ito na Ang huling pagkikita natin. kahit masakit kakalimutan narin kita..turan nya sabay hila nang kamay at tumalikod
nasa kwarto na si frans."nang silipin nya ng huling sandali ang lalaking minamahal.. nakita nya itong bagsak Ang balikat at lulugo lugo itong umalis.. gusto nya itong habulin at yakapin sabihin na ituloy nalang natin pero pinigilan nya Ang sarili nya..umupo nalang sya at patuloy na umiiyak..
halo's magdamag na umiyak si frans ng gabing yon.. inilabas nya na Ang lahat ng sama ng loob sakit at lungkot.. pinangako nya sa sarili na kakayanin nya at yon na huling iyak nya dahil sa pag ibig..
kinaumagahan ay maaga parin syang nagising. dahil pupunta sya sa boarding house nila ni divine. kukunin nya mga gamit nya..
pagkapasok ni frans ay nakita nya andoon si divine.. namumugto mga mata nito..
frans.. I'm sorry.. mahal ko si neil kaya nagawa ko yun... please tulungan mo ako.. ayaw akong kausapin ni neil.. iniiwasan nya ako.. umiiyak na wika nito.
I'm sorry divine.. "pero hindi ko magagawa hiniling MO.. tapos na sa amin ni neil at wala na akong magagawa sa problema nyo "andito lang ako para kunin mga gamit ko.. turan nya. pagkatapos nakapagligpit ay lumabas na sya na walang imik.. minsan pa'y nilingon ni frans ang lugar Kung saan sya nakitira at kasama nya sa saya at lungkot""paalam divine sana hindi tayo magkita pa..at pinapatawad na kita ..saisip nya..bago nilisan ang lugar
pagkauwi ni frans ay niyaya sya nang tita nya sa kwarto nito at may mahalaga daw itong sabihin. kinabahan sya..
ano po yon tita? tanong nya
frans"paano kung makilala mo ang ama mo. magagalit kaba sa Kanya.. alangan na tanong nito..
ang totoo tita hindi po.. subra subra na Ang sakit at sama ng loob ko sa dibdib ayaw kona pong dagdagan.. at gusto ko narin po syang makilala.. at tanungin ko sya Kung bakit hindi nya ako hinanap at bakit pinabayaan nya si Mama..sagot nya dito
totoong walang pag kamuhi sa puso ni frans para sa kanyang ama. Inaasam nya rin itong makita at makilala.. dahil gusto nya maranasan kung paano magkaroon ng amang Mag alala sa Kanya o kaya yakapin sya kung nahihirapan at nasasaktan sya tulad ngayon..
frans makikilala at makikita muna Ang ama MO..pupunta sya bukas dito.wika ni tita.gulat na napatingin sya dito... totoo po tita?
Oo frans..sagot nito
malalim na Ang gabe. pero Di parin dalawin ng antok si frans.. sa dami nang iniisip nya..excited sya makita at makasama Ang ama. at kung natuloy sana kasal nya may ama na sanang maghahatid sa altar..agad nya pinalis sa isip iyon..
kina umagahan ay nagising si frans sa mga tunog ng sasakyan sa harap ng bahay ng tita nya.. tinanghali na sya magising dahil gabing gabi na sya dinalaw ng antok.. pa pungas pungas syang bumangon tiningnan nya ang orasan sa tabi nya. alas 9 na nang umaga.. hindi pala sya ginising ng tita nya.. bumangon sya at nag tooth brush ng ngipin at hilamos ng pagpunas nya ng mukha sa tuwalya nakasabit sa bintana ay nakita nya Ang dalawang sasakyan nakahinto sa tapat nila""".. kaninong sasakyan kaya yan? imposebling sa ama ko yan wala namang sinabe si tita na mayaman Ang ama ko..
to be continued