Chapter 54 Kinaumagahan ay maaga naman akong magising, habang si Roxanne ay humihilik pa. Bumangon na ako sa pagkakahiga ko at nagtungo ako sa kusina para magtimpla ng kape, dahil naghihilab ang tiyan ko, lalo’t kagabi ay wala pa akong kain dahil sa takot. Pagpunta ko sa kusina ay kumuha na agad ako ng tasa at nilagyan ko ng kape, saka ko tinapat sa water desfenser may mainit naman itong tubig. Binuksan ko ang pinto ng unit ko at sa labas mo na ako tumambay, habang humihigop naman ako ng kape sa tasa kung hawak ay napatingin naman ako sa isang unit. Napansin ko ang bintana nito na bukas ngunit parang wala naman tao dahil nakapatay ang ilaw. Lalapit sana ako sa bintana para silipin ang loob nang bigla akong magulat sa paglabas ni Roxane sa pinto ng unit ko. “Nathalie, kanina kapa pala

