Chapter 36 Tuluyan na nga nagsidatingan ang mga kasamahan kong NBI dahil narinig ko na ang wangwang ng kanilang mga sasakyan, alam kong mabubulog ang pagtulog ng mga kalaban dahil sa lakas ng ingay na papalapit sa gate ng compound. Kaya naman kinuha kong muli ang telescope at inilagay sa aking mata kitang-kita ko ang mga kalaban mabilis nagsigisingan. Halos lahat ay gising na at naghahanda sa pagpasok ng mga kasama ko sa loob ng gate. Narinig ko ang sigawan at nagpapanik sila. “Bumangon kayong lahat nilulusob na tayo ng mga pulis magsikalat na kayo at huwag hayaan na makapasok sila sa loob!” narinig kong sigaw ng lalaki. “Yes boss.” Nakita ko naman na lumabas sa pinto ng maganda unit Si General Roberto Diaz. Gulat itong nagtanong sa lalaking lumapit sa kaniya. “Ano ang ingay na iyon

