Natapos ang madugong labanan sa pagitan ko at mga sundalo laban sa mga rebelde. Ay napuno nang maraming sundalo ang lugar. Ligtas naman na dala nila ang mga bihag at sinakay na sa helecopter. Masaya ako dahil walang masamang nangyari sa mga bihag. Mayamaya pa ay lumapit sakin ang isang sundalo na nagpakilala sa pangalan. Camptain Dante Ramos. “Maraming salamat sa ‘yo, Miss, dahil bago pa kami dumating ay nailigtas mo na ang mga bihag ng rebelde, ano ang pangalan mo?” tanong nito sa akin. “Ako si Nathalie Collins, kasapi ng Black Stone NBI, sir,” sagot ko sa lalaking kaharap ko. “Kinagagalak kitang makilala Miss Collins. Paano hangang sa muling pagkikita, saka sumabay ka na rin sa mga tauhan ko palabas ng bundok na ito,” anas ng lalaki. Pagkasabi nito ay tumalikod na rin at tuluyan na

