Natapos na ang buong maghapon, kanya-kanya na rin naglabasan ang mga kasama ko sa opisina ng Black Stone. Nagdesisyon na rin akong umuwi ng bahay, lumabas na nga ako ng opisina at nakarating na ko sa kanto nag-abang na akong ng masasakyan pauwi. Habang nag-aabang ako ng sasakyan ay parang may kakaibang nahagip ang mata ko kahit madilim na ay parang pamiliar sa akin ang taong nakita ko. Parang pinagmamasdan niya ako at nakatayo lang sa ‘di kalayuan ang lalaki. Kaya naman ay yumuko ako nang bahagya at ‘di nagpapahalata na nakatingin din ako sa kanya. Napansin ko rin na may bag itong dala, napaisip tuloy ako baka ito ‘yong bomber kanina na balak pasabogin ang grocery. Nang makita ko ang lalaki na hindi na tumingin sa akin ay tumago na ako agad sa likod ng poste, sinundan ko lang siya ng

