Chapter 38 Tuluyan na nga kaming nakalabas ni Roxane ng Massage napansin kong nagmamadali itong maglakad kaya naman tinanong ko ang babae. “Roxane, dahan- dahan naman nang hakbang masakit kaya ang likod ko, bakit parang tila nag mamadali ka?” tanong ko. “Eh. . . Natatakot ako Nathalie baka magising ang mga lalaking nang holdap kanina kaya bilisan natin para makauwi agad tayo,” sambit nito. Tumawa naman ako sa babae. “Ahmmm--- ano kaba Roxane masyado ka naman matatakotin relax ka lang hindi na babangon ang isang lalaki roon kasi binali ko na ang leeg niya at ang isa naman ay mahimbing na ang pagkakatulog kung magising man iyon ay nasa loob na ng prisinto. Saka sigurado ako na kanina pa lang dumating na ang mga pulis kaya nga niyaya na kita dahil ayaw ko maabutan pa tayo at kung ano-ano

