NAPATIGIL naman ako sa paghakbang palabas ng compound ng lumang bodega. Narinig ko kasi ang pagtunog ng cellphone ko kaya naman ka agad ko itong kinuha sa bag ko na nakasakbit sa leeg ko. Nakita ko naman na pangalan ni boss Niel ang tumatawag kaya sinagot ko na ito. “Hello boss Niel napatawag ka po?” tanong ko. Narinig ko naman ang papuri nito sa akin mula sa kabilang linya. “Binabati kita Agent Nathie. Dahil sa tapang at husay mo. Mag-isa mo lang na natapos ang mission mo. Alam ko naman na simula pa lang ay hangang-hanga na ako sa ’yo dahil madami ka nang mission na nalutas. Kaya ‘di ako nagdalawang isip na sa ’yo ko ipagkatiwala ang mission at tiyak na matutuwa si Governor Frank Smith kapag nalaman niya ang magandang balita na ito,” paliwanag ng lalaki. “Maraming salamat boss sa pat

