(General's Pov) Bwesit!” galit na galit na sabi ko sa mga tauhan ko habang nasa harapan ko sila. “Paano nasakuti ng mga pulis ang malaking droga na iyon, ha? Alam ninyo ba kung magkano ang nawala sa akin?!” halos mapatid ang aking litid sa pagbulyaw ko sa mga tauhan ko. “May hudas na nakapasok sa grupo natin General,” sambit ng isang lalaking nakatayo sa harapan ko. Lalong kumulo ang aking dugo nang maalala ko naman kung sino ang hudas. Ang hayop na babaeng iyon! “Wala man lang tayong kaalam-alam na may hudas na pala tayong kasama. Aahhhh!” sigaw ko ng malakas, sabay sipa sa upuan na kaharap ko. “General, walang mag-aakala na isa pala siyang ispiya. Lalo at isang mamamayan simple lang ang pakilala niya. Ngunit talagang ang grupo natin ang pakay niya,” muling anas ng isang tauhan ko.

