Chapter 39 Silvana Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko at akmang aabutin ko na sana ito ng biglang mamatay ang lahat ng ilaw sa buong bahay. Napasinghap ako at nakagat ko ang aking dila dahil sa sobrang takot. Hi-Hindi ako natatakot, hindi ako natatakot sa sarili kong sakit. Hindi ako natatakot kay tita Catherine, harmless ang sakit namin kung meroon man siya pero natatakot ako sa tinatanim niyang sama ng loob. Kahit na ilang beses ko ng nilinaw na wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Sebastian, alam ko at alam ni Rafael na hindi pa rin natatanggal ang galit ni tita Catherine para sa akin. Hi-Hindi pa rin siya naniniwalana inosente ako at sa mga oras na ito, isa lang ang nakatatak sa isip niya. "Where's tito Henrick?" Tanong ni Victor sa akin ng mahawakan nito ang aking kama

