Chapter 43 Silvana Pagkatapos naming mamili ng mga pagkain at gagamitin ay sabay sabay kaming sumakay sa kotse. Kay Rafael ako sumabay since kay Victor naman ako nakisakay kanina. Pagod na pagod ako ng makasampa ako sa kotse ni Rafael, ang kulit kasi ni Victor. Takagang nakipaghabulan pa sa akin sa loob ng mall! Kung siguro hindi kay Victor yung mall baka kanina pa kami napaalis ng mga guard doon. Buti na lang at mababait sila. "Matutulog na ako, gisingin mo na lang ako pag-andoon na tayo ah!" Bilin ko kay Rafael bago ko ipinikit ang aking mga mata at komportableng nahiga rito sa backseat, wala akong narinig na sagot kay Rafael pero sanay naman na ako. Hindi lang talaga siya mahilig magsalita, pero sumusunod naman siya kaya ipinikit ko na ang aking mga mata habang may tipid na ngi

