Chapter 12 SILVANA Kasalukuyan akong nag-hahatid ng mga orders sa ibang lamesa ng makita ko ang pagtaas ng kamay nung matandang babae na nasa table 5. Dito kasi sa restaurant namin, pagtinaas mo ang kamay mo ibig sabihin may request ka or concern at bilang empleyado ako sa restaurant na ito, kailangan ko namang mag respond sa customer ko. Nang mailagay ko na ang lahat ng pagkain sa table 2 ay agad din naman akong lumapit sa table 5 kung saan naabutan ko ang nakasimangot na matanda. “Yes po ma’am, what can I do for you?” Magalang kong tanong sa matanda. Sinimangutan ako nito. “ Anong klaseng gravy ba ang ginagawa niyo, bakit sobrang pangit ng lasa nito?” Tinuro turo ng matanda ang gravy na nasa mangkok, iyan yung ibinigay ko sa kaniya kanina. “Ma’am pwede ko po

