"THE MISSING RUBY (PART 3)
PREVIOUSLY,
Napapad sina Denny Anne at ang kanyang team sa isang masukal na gubat. Ngunit nang magsisimula na silang maglakad upang sundan ang coordinates kung nasaan hinahanap nila na bato.
ANG KARUGTONG,
"Tumayo na kayo dyan lovers!" Saway ni David sakanilang dalawa. At agad naman silang nag ayus ng kanilang mga sarili upang hanapin ang mga tumitira sa kanila ng mga palaso.
"Hey Violet Stay away from my Christian! Malandi ka talaga!" Sigaw ni Shairmaine. At agad namang tinakpan ni Marie ng duct tape ang bibig nito sabay sabi.
"Tumahimik ka dyan. Nakakasira ka ng diskarte namin! Baka gusto mong matamaan sa ulo ng mga palaso nay an?" Sambit ni Marie habang nakatitig sa hawak niyang Tablet sabay turo kina Christian at Denny Anne na iniilagan ang mga palaso.
Habang si David naman ay nakatitig lang sa ibat-ibang bahagi ng gubat kung saan lumalabas ang mga palaso.
"Alam ko na? Violet can you hear me?" Sabi nito habang nakitingin kina Denny Anne at Christian.
"Yes David, ano yun?" Tanong ni Denny Anne.
"Violet naka clock position sila, sa South, East west and north east. Kung mapapansin mo ang lahat ng tira nila ay puro pakanan?" Sabi ni David.
"Oo? Anong gagawin namin?" Tanong ni Denny Anne.
"Sandali naririnig ba ako ni Chris?" Tanong niya.
"Yes I hear you David. What's the plan?" Sagot ni Christian sa kabilang linya.
"Perfect! Do the couple combo!" Sagot ni David.
"What?" Sigaw ni Shairmaine. At agad naman siyang sinaway ni Marie.
"Gusto mo ikaw? Sige lumabas ka!" Saway nito sa babae.
"Okay David!" Sagot ni Christian.
"Are you ready?" Tanong ni Christian kay Denny Anne.
"Well, may choice pa ba ako?" Sagot nito sabay hawak sa kamay ng binata.
"Okay pagsinabi kung Ilag! Sabay ninyong gagawin yun para mas effective!" Sabi ni David at tumango lang silang dalawa.
"East, Ilag!" Sambit ni David at agad naman umilag ang dalawa.
Samantala sa Opisina ni Ced,
Pagkaalis ni Rita ay agad niyang binuksan ang blue folder kung saan may thumb mark ito ni Georgina.
"This is Georgina's folder, sana mali ang aking hinala kay Rita!" Pailing-iling na sabi ni Ced sabay buklat ng blue folder At binasa niya ang nakasulat dito.
"MBI GEORGINA—AGENT BLUE,
Day 13,
Agent Magenta is part of the Sand witches' family, I found out that they will used the high tech wrist watch to manipulate people. By using the high tech watch, they can make a virus and kill others. That's why I stole the wrist watch from their lab." At patuloy niya itong binasa.
Habang sa Opisina ni Rita.
"Head director Liam? Why are you here?" Gulat na sabi ni Rita ng biglang lumabas ang hologram ng isang matandang lalaki na naka tuxedo.
"This is just a hologram, by the way I want to know, what's the status of the new recruit Violet? Is she's good? Did you train her well?" I've heard in the main office that Violet had successfully get the missing artifacts from Canada last week?" Director Liam said.
"Yes that's right, and Denny Anne is on a mission now with her team to find the missing ruby."Sagot ni Rita.
"Good, but Magenta please keep your eyes to the Sand witches Family. You need to focus on them and give me reports or updates." Dagdag na sabi ni Director Liam.
Balik naman sa Misyon nina Denny Anne.
"Sandali kilala ko ang kanilang Tribo." Sigaw ni Marie at agad siyang lumabas sa harang.
"Marie Wait!" Pigil ni David sakanya. At agad nagsalita si Marie.
"Kadyot lang! wala me dre para makig-away! Dili kagubot among tumong!" Sigaw ni Marie habang palingon-lingon sa paligid. At unti-unting lumabas ang isang grupo ng mga katutubo.
(Sandali lang! hindi kami nandito upang makipag-away, hindi karahasan aming dala!)
"Kinsa mo? Ug nag unsa mo sa amoang banwa?" Sabi ng isang pinuno ng mga katutubo.
(Sino kayo? At bakit kayo nandito sa aming bayan?)
"Ako si Marie ug Akoa silang mga kauban, ug naa mey gipangeta na usa ka bato." Sabi ni Marie at agad niyang ipinakita sa mga katutubo ang litrato ng bato.
(Ako si Marie at mga kasamahan ko sila. May hinahanap kaming isang bato)
Pagkakita nila sa bato ay agad nag-usap usap ang mga katutubo.
"Papano mo nalaman ang kanilang lenguahe?" Tanong ni Christian.
"Just research, kaya kung magsalita ng 100 languages for now. Anyways, hindi sila mananakit!" Sabi ni Marie.
"Sunod kamo saamoa naa didto sa amoang banwa ang bato ni Ribung linti." Sabi ng pinuno ng mga katutubo.
(Sumunod kayo saamin, nandoon sa aming bayan ang hinahanap ninyong bato ni Ribung linti)
"Bakit bato ni Ribung linti?" Tanong ni David.
"Philippine mythology, naniniwala pa din sila sa mga diyos at diyosa. And we must respect that!" Sabi ni Marie.
Ribung linti God of Lighting and thunder
At agad naman sumunod sina Denny Anne sa mga katutubo ng biglang mag ring ang kanyang cellphone sabay sabay tumingin ang mga katutubo sakanya.
"Cellphone lang po ito, hehe sasagutin ko lang! mauna na kayo!" Sabi ni Denny Anne at agad niya itong sinagot.
"Hello Sir?"
"Where are you Kayla?" Sabin g lalaki sa kabilang linya.
"I'm on a mission Sir." Nadulas na sabi ni Denny Anne.
"What Mission? Gabing-gabi? Anong mission ang pinagsasabi mo? Wala ka naman sa Bar ni Helen nasaan ka?" Tanong ng lalaki.
"Sorry sa bahay lang po sir Kent. May tinatapos akong kwento. Nagsusulat kasi ako ng kwento sa isang website. Bakit po pala Mr Sanchez? May problema po ba?" Tanong ni Denny Anne.
"Samahan moko ngayon, ngayon kasi ang birthday ng matalik kung kaibigan na naikwento kung kalook a like mo? Naalala mo yun?" Sabi ni Kent.
"But Sir?" Tanggi nito.
"I'll pay you double this night, basta samahan mo lang ako please." Mangiyak ngiyak na sabi ni Kent.
"Okay fine! I'll be there at 20 mins po."sagot ni Denny Anne.
"Kayla gusto mo sunduin na kita?" Pag-aalok ng binata sakanya.
"No sir wag na mag ta-taxi nalang ako. Wait for me" Sagot nito pagka putol ng kanilang pag-uusap ay agad siyang hinawakan sa balikat ni David.
"David? Can I?" Sabi niya.
"Sure, I'm always here to support you." Ngiting sabi ng kaibigan.
"Salamat talaga, di naman ako magtatagal doon." Sabi ni Denny Anne sabay yakap sa kaibigan.
"Okay ako ng bahala." Sabi ni David. Sabay silang nagtago sa isang malaking puno.
"Ready?" Sabi ni David.
"Ready na!" Sagot naman ni Denny Anne sabay pindut sa Home button sa kanyang suit. Habang si David naman ay agad ikinabit ang isang maliit na chip sa kanyang leeg at sa isang iglap ay naging si Denny Anne sya. Boses at galaw.
Ilang sandali pa ay hinahanap na sila ni Christian.
"Violet? David nasaan kayo ui?" Sigaw ng binata.
"I'm here sorry, umuwi si David hindi daw maganda ang pakiramdam niya, igaguide nalang niya tayo sa satellite sa office." Sabi ni David na ngayon ay naging si Denny Anne.
"Okay tayo na! baka may mga wild animals pa dito" Sabi ni Christian sabay akbay sakanya at di ito umalma.
"Are you okay? Mukhang malungkot ka?" Sabi ni Christian.
"Nope, I'm just not in mood!" Ngiting sabi ni David. At nag lakad na sila papuntang bayan ng mga katutubo.
"Kung pwde lang sana maging kami, pero hindi pwde. Halatang mahal ninyo ang isa't –isa!" Sabi ni David sa kanyang isipan habang palihim na kinikilig dahil sa pagkakaabay ni Christian sa kanya.
Samantala agad naman nag palit ng kasuotan si Denny Anne. Pagkatapos ay pumara ito ng Taxi sa labas ng kanyang apartment papunta sa bahay ni Kent.
At habang sa taxi sya ay napapangiti nalang siya sa mga bagay na nakakalimutan niya.
"Pati pa naman Birthday ko nakakalimutan ko?" sabi niya sa sarili habang nakangiti.
Stay tuned for the next episode...