"DEREK & DAVID"
ANG NAKARAAN,
Habang nakaharap sa Salamin si David at tinititigan ang kwentas na kanyang suot ay biglang pumasok si Denny Ann sabay sabing.
"I need you as Kayla Mendoza!"
ANG KARUGTUNG,
"Ano? Bakit anong nangyayari?" Tanong ni David sa kaibigan.
"Pinatawag ako ni Miss Rita at Ced sa headquarter, may physical training ako with the bosses and guess what? Tatlong araw yun. But don't worry, tatakas pa din ako. Pero for now, may meeting si Kent sa isang company, and you need to take down the important details sa meeting and, you have 30 mins para makapag-handa!" Sabi ni Denny Ann.
"What? Walang hiya ka! 30 mins? Agad agad? Jusko Wala akong Alam sa pagiging Kayla Mendoza mo! Kung Ann Marie pa Kaya ko Yun!" Reklamo ni David.
"Bes, Good luck kelangan ko nang bumalik! At bilisan mo!" Sabi ni Denny Ann sabay pindut sa kanyang relo kasabay nito ay naglaho sya sa silid ng kanyang kaibigan.
"Pambihira naman Tung babaeng to!" Sabi ni David at agad niyang binuksan ang kanyang kabinet. Sabay niyang kinuha Ang isang malaking garapon.
"Kayla Mendoza is real, magiging Sexytary nanaman ako nito. Kadiri! Kahit bading ako, di ko type si Kent! Since dati pa! " Sabi niya sa sarili habang hawak ang isang maliit na chip at agad niya itong inilagay sa kanyang leeg sabay usal ng mga kataga..
"Denny Ann Nemenzo's Identity Activate!"
Mula sa salamin, dahan-dahang nagbago ang kanyang anyo, unang Humaba Ang kanyang buhok, kasunod Naman Ang kanyang mukha. Nagkaroon din sya ng dibdib ng katulad sa mga babae Hanggang sa isang iglap ay mukha na Ng kanyang kaibigan Ang kanyang nakikita sa salamin.
"30 mins, Hello Shier Khent, shorry na late ako. Kashie traffic tska parang Hindi ako makahinga!" Sabi ni David na ngayon ay pati Ang kanyang boses ay naging babae na.
Samantala sa Opisina ni Kent.
"Where's your assistant Bro? The meeting will be start in 2 mins. Mabuti pa pumasok ka na Lang sa room." Sabi ng matalik na kaibigan ni Kent.
"Sandali she's here! Mauna kana Grey!" Sabi ni Kent sa kaibigan.
"Okay! Pasok nako!" Sabi Ng kaibigan nya.
Nang nasaharap na ni Kent si David.
"Kayla where have you been? Did you bring my flashdrive?" Tanong ni Kent.
"Flashdrive? Teka tingnan ko!" Sabi ni David sabay bukas sa kanyang bag at mula doon nakita niya ang kulay itim na flashdrive na may note pang "for presentation"
"Here Sir!" Sabi ni David.
"What did you call me?" Tanong ni Kent.
"Sir?? Is there any problem with that?" Sagot nya.
"I told you many time Kayla, call me in my first name again. Magkaibigan Naman tayo. Pero let's go kelangan natin itong e-close na account." Sabi ni Kent.
"O-okay Kent!" Sagot Naman ni David na sa tulong ng chip ay naging siya si Denny Ann.
Habang sa Opisina ni Rita.
"Nasa Field na si Denny Ann, and about sa nag background check Kay Kayla? Sinabihan mo na ba si Helen. Tungkol dito?" Tanong ni Rita Kay Cedrick.
"Yes nakausap ko kahapon si Miss Helen, and siya na daw Ang bahala sa reporters." Sagot ni Cedrick.
"And, the papers is completely okay! Wala na tayong problema." Sabi naman ni Ced.
"Good, dahil sa physical training na gagawin nila Kay Denny Ann mas makakagalaw tayo upang maimbestigahan natin sila. Hindi ako papayag na Hindi mabibigyan Ng hustisya si Georgina. " Sabi ni Rita.
"Yun Lang, Sana Naman Hindi ka kasabwat nila!" Mahinang Sabi ni Ced.
"Anong sabi mo?" Taas kilay na sabi Rita.
"Wala Sabi ko, Sana Naman Hindi kasabwat sila." Sagot ni Ced.
Samantala sa bahay ni Helen,
"Good morning Madam Helen Cervantes, ako Po si Zandra Osma from Sxai TV station. Iinterviewhin ka Lang Po namin tungkol sa Anak nyo na si Kayla?" Sabi ng babaeng reporter.
"Sure, teka may filter ba yan camera nyo? Gawin nyong Bata ako dyan ha? Para naman sabihin nila na magkapatid kami ni Kayla!" Sabi ni Helen.
"Sure Madam, so let's start?" Sabi ng babaeng reporter.
"Welcome! Nandito Tayo sa bahay ng viral sensation girl na si Kayla Mendoza. And today makakausap natin ang kanyang nanay. And she will tell us, Kung Sino ba talaga si Kayla Mendoza?" Sabi ng babaeng reporter at nagsimula na syang mag tanong Kay Helen.
"Madam Helen, is it true? Na Hindi nanggaling sayo si Kayla? And why Kayla Mendoza then Who is Ann Marie Cervantes?" Tanong ng babaeng reporter.
"Yes that's true, Kayla is my adopted child. Kayla Mendoza is here real name. While Ann Marie Cervantes is just a screen name sa bar ko. "Ngiting sagot ni Helen.
"Interesting, is it true? Na nagtatrabaho si Kayla sa sarili ninyung bar?" Tanong ulit Ng babaeng reporter at ngumiti si Helen sabay sabing.
"Yes, ayaw niyang binibigyan ko sya Ng pera. So I decided na magtrabaho sya as singer sa bar. "Sagot ni Helen.
Habang nakalive broadcast ang Interview with Helen Cervantes ay tahimik namang nanonood si Derek sa kanyang Opisina.
"I guess shes innocent!" Sabi ni Derek sabay Tayo sa kanyang upuan. At lumabas Ng kanyang Opisina. Habang papunta sya sa comfort room nakita niya sa hallway si Kayla na tinititigan ang sarili sa salamin.
"Hey Kayla, masyadong maliit yang salamin mo. Wala bang salamin sa Opisina ng boss mo?" Tanong ni Derek sa kanya.
"Sorry, and you are?" Tanong ni David.
"Oh did you forgot? I'm also the CEO of this company. Okay By the way Im Derek. Kent's half brother." Sagot ni Derek.
"Wala namang naikwento si Sir Kent saakin tungkol sayo."Sabi ni David.
"Whatever, Kasi better yang boss mo!" Ngiting Sabi ni Derek ng biglang tumitig si Derek sa suot nyang kwentas.
"Wait Kayla, where did you get that?" Sabay turo sa suot na kwentas.
"Ah Ito ba? Bakit?" Tanong ni David.
"Tinatanong Kita Kayla Saan mo nakuha Ang kwentas na yan?" Sabi ni Derek.
"Wala kang paki-alam!" Sagot ni David sabay talikud Kay Derek Ng biglang hawakan sya sa braso.
"I said where did you get that necklace."galit na Sabi ni Derek sakanya.
"Bitiwan mo nga ako, nasasaktan ako! Ano ba!" Pagpupumiglas ni David habang hawak sya sa braso niya.
"Pasalamat ka Hindi ako lalaki ngayon, Kung nasa tunay Kung katauhan ako. Sinapak na Kita!" Sabi ni David sa kanyang sarili.
Hanggang sa dumating si Kent.
"What are you doing to my assistant Derek. Stay away from her!" Sabi ni Kent sabay tulak Kay Derek.
"Tinatanong ko lang tung assistant mo. Ang bastos eh tinalikuran ako!" Sabi ni Derek sabay turo Kay Kayla.
"I inform her na Hindi kakausapin, and again stay away from my assistant. " Sabi ni Kent ng lalapit na Sana si Derek Kay David. Nang biglang sinuntok ni Kent si Derek.
"Tama na!" Sigaw ni Helen Grace.
"Ano bang nangyayari Kayla? Bat nag-aaway nanaman tung mga Leon?" Sigaw ni Helen.
Hindi umimik si David, dahil Kung sinagot lang niya ng maayus si Derek ay Hindi na Sana masusuntok ni Kent si Derek.
"Kung Hindi kayo titigil isusumbong ko kayo Kay dad!" Sigaw ni Helen Grace.
At tumigil ang dalawa sa pagsusuntukan.
"Tama na Kent and Sir Derek. Sorry!" Sabi ni David.
"Nakakahiya kayo! Pinagtitinginan na kayo ng mga empleyado natin, Tayo ang dapat ang magpapakita sa kanila ng mabuting asal. Pero what have you done? Kayo ang nagsasalpukan! Nakakahiya kayo!" Sigaw ni Helen Grace sabay walkout.
"Wait Little Sis!" Sabi ni Derek sabay habol sa nakakabatang kapatid.
"Are you okay Kayla?" Tanong ni Kent.
"I'm ok Kent, salamat! Attitude din Kasi ako!"Sabi ni David.
Itutuloy....