"Pasensya na ho, Engineer." Napahilot na lamang ako sa aking sintido. Nakayuko na siya ngayon, at tila hindi alam ang gagawin. Nandito ako ngayon sa Laguna for a site visit sa ginagawa naming water park. "Why didn't you tell me?!" Nanatili lang siyang nakayuko. Hindi niya ako sinagot, dahil hindi niya alam ang isasagot. Nagkakaroon na pala ng problema sa construction, pero hindi man lang nila ako sinabihan. Kung hindi pa ako bibisata rito, ay hindi ko pa malalaman 'to. "Ilang araw na?" I asked. This time ay naging mahinahon na ako sa pagtatanong, kaya nag- angat na siya ng tingin. "M-mag d-dadalawang linggo na po, Engineer." "What?!" Mukhang nagulat siya sa pagsigaw ko. "Almost two weeks ng delayed ang construction?!" This no longer a joke. Naka-set na ang grand opening at ribbon cu

