"Stalk now, iyak later." I wiped my tears as Vettinah arrived and entered the room. Ibinaba niya ang kaniyang gamit, bago itinuloy ang pagkikilay. Absent si Ernisha dahil nag-take siya ngayon ng UPCAT exam, at si Cassandra naman ay paniguradong late nanaman. "Pero in fairness, ha. Maganda 'yong kabit niya," panunukso niya sa akin. "Ano naman ngayon kung maganda siya? Bakit, marunong bang magluto yan? Maglaba, magplantsa at maglinis?" "That's the spirit, b***h! Fight for your bebe. Tandaan mo kabit lang siya, ikaw ang original." "Ako yung kabit," mapait kong sagot sakanya na ikinagulat niya. Bigla niyang naibaba ang kanyang crayon matter eyeliner, at bahagyang itinigil ang ginagawa upang tignan ako kung nagsasabi ba ako nang totoo. "Holy sh*t! Seryoso ka, gurl?" Tumango ako at kinaga

