"You will always be the miracle that makes my life complete. Happy 6th anniversary, darling! Thank you for everything, Leo. I love you so much!" Halos masuka ako nang mabasa ang caption niya na 'yon, sa kanyang i********: post. I looked at their picture and smiled. Napangiti ako nang mapakla sa nakita. They were smiling while hugging each other. Kitang kita sa mga mata nila na masaya sila, at mahal na mahal na mahal nila ang isa't isa. That smile. Dati lang ay ako ang dahilan non, pero ngayon ay iba na ang dahilan ng bawat pagngiti at pagningning ng kanyang mata. They actually look good together. Picture perfect of a happy couple. Hindi ko na muling nakita pa si Leo, pagkatapos ng nangyari sa bahay nila. Ginawa kong abala ang sarili ko, para makalimutan siya at maalis sa isipan ko. I p

