Kabanata 5

1322 Words
"Naiihi na talaga ako," sabi ni Ali habang hawak-hawak ang kaniyang puson. Nilinga niya si Gio. "Mamaya pa ang balik niya. Ihing-ihi na talaga ako!" turan ni Ali sa kaniyang sarili. Mahigpit kasing ipinagbilin nito na huwag siyang lalabas ng sasakyan. "Saglit lang naman akong lalabas. Mas magagalit siya kapag dito ako inabot. Tama. Wala namang nakakakilala sa akin dito eh." Nang makita ni Ali ang shades ni Gio ay agad niyang kinuha iyon at isinuot. Sunod niyang kinuha ang facemask na naiwan nito sa driver's seat. Inayos niya ang kaniyang buhok at tinalian ito. Bago bumaba ng sasakyan ay kinuha niya muna ang susi at inilagay sa bulsa ng kaniyang pantalon. Iniwan na niya ang kaniyang bag sa loob ng sasakyan. Pagbaba na pagbaba ni Ali ay agad niyang nakita ang building ng Fuentes Groups of Companies. Napatingala siya sa sobrang taas ng gusali. "Ang ganda at ang taas ng building! Hindi ko akalaing ganito pala kayaman ang lalaking nakabili sa akin! Saan kaya ang comfort room dito? Sa baba? Sa gitna o sa taas? Hmmm … baka kada palapag ay may CR," ani Ali. Naglakad na siya patungo sa entrance ng building. Ang kaniyang bibig ay napaawang nang makita niya ang mga empleyadong labas-pasok sa gusali. Lahat sila ay mukhang may maayos na buhay. Nanliit tuloy ang tingin niya sa kaniyang sarili. "Siguro kung nakapag-aral ako, baka magkaroon ako ng chance na makapasok sa ganitong kalaking kompanya," bulong niya habang nakatitig sa pinto ng gusali. Iniisip niya kung paano papasok doon dahil ngayon lang siya nagkita ng revolving door. It is composed of four doors that hang on a central shaft which rotate around a vertical axis within a cylindrical enclosure. Napangiwi si Ali nang bigla siyang nasagi ng isang babae. "My dress!" sigaw ng babaeng may blonde na buhok. Natapon ang dala niyang milktea sa suot niyang Dior dress dahil hindi niya nakita si Ali. Nagce-cellphone kasi siya habang nakahawak naman ang isang kamay niya sa milktea. Mabilis na pinunasan ni Ali ang damit ng babae gamit ang kaniyang kamay. "Pasensya na po kayo miss," aniya habang nakatingin sa maganda at seksing babae. "WHAT THE HELL ARE YOU DOING? Alisin mo ang kamay mo sa damit ko!" galit na sigaw ng babae. Ang kaniyang bag na Prada ay muntik na niyang mabitawan dahil sa pandidiri kay Ali. "So-sorry po. Gusto ko lang naman pong linis —" "Your hands are dirty so don't waste your time cleaning my precious dress! Sa susunod, huwag kang pahara-hara sa daan! Alam mo ba kung magkano ang damit kong 'to?" Nanlilisik ang mga mata ng babae kay Ali na ngayon ay nanunubig na ang mga mata. "One hundred fifty thousand pesos! May gano'ng halaga ka ba ha?" Napanganga si Ali sa tinuran ng babae. Wala nga siyang isang daang piso sa bag niya, one hundred fifty thousand pesos pa kaya? "Sorry po talaga. Sorry." Yumuko si Ali sa harapan ng babae. Tumaas ang kilay ng babae bago inirapan si Ali. "Sorry isn't enough. Lumuhod ka sa harapan ko ngayon at halikan mo ang sapatos ko. Don't worry. Mamahalin din ang shoes ko kaya pasalamat ka pa at pahahalikan ko iyan sa'yo." Ihing-ihi na talaga si Ali kaya naman mabilis siyang tumakbo papasok ng gusali subalit hindi agad siya nakapasok sa loob dahil hindi niya alam kung paano siya makakalusot sa revolving door. Nagtitili naman ang babaeng kausap niya kanina. "Follow me." Napatingin si Ali sa isang napakaguwapong lalaki sa kaniyang harapan. Singkit at namumungay ang mga mata nito, matangos ang ilong, matangkad at moreno ang balat. Nakapasok na si Ali sa gusali dahil sa tulong ng lalaki. "Ahmm… Ihing-ihi na talaga ako. Alam mo ba kung saan ang pinakamalapit na banyo rito?" sabi ni Ali habang namimilipit na sa pagpipigil ng kaniyang ihi. Napatawa ang lalaki sa inasta ni Ali. Walang imik siyang lumakad patungo sa comfort room ng mga babae. Hinintay na rin niyang makalabas si Ali dahil naging interesado siya agad sa dalaga. Nang makalabas ng banyo si Ali ay namilog ang kaniyang mga mata nang biglang ilahad ng lalaki ang kamay nito sa kaniya. "I'm Jared and you are?" tanong ng lalaki. "A-ako si … Aki short for Akira," mabilis na tugon ni Ali. Mabuti na lang at hindi siya nadistract sa hitsura ng kaniyang kaharap kung hindi ay baka nasabi na niya ang kaniyang totoong pangalan. "Nice to meet you. Aki, madalas ka bang naglalagi rito? I mean, employee ka ba rito?" Umiling si Ali. Mayamaya pa ay humahangos na lumapit sa kaniya ang babaeng may blonde na buhok at hinila ang nakapuyod niyang buhok. "Aray! Miss, bitiwan mo ako. Nasasaktan ako," daing ni Ali. "Ang bastos mo sa part na iniwan mo ako sa labas habang nag-uusap tayong dalawa! You ruined my attire so you must kiss my shoes!" Pulang-pula na ang mukha ng babae sa sobrang galit. Hindi man lamang nito napansin na marami nang nanonood sa kanila ni Ali. Pikon na si Ali kaya hindi na niya napigilang hindi sagutin ang babae. "Hindi ko hahalikan ang sapatos mo. Ikaw naman po ang bumangga sa akin at hindi ako. Nakatingin ka sa cellphone mo habang naglalakad so hindi ko kasalanan kung natapunan ng milktea ang MAMAHALIN MONG DAMIT!" walang prenong wika ni Ali. "Aba at …" Sasampalin na sana ng babae si Ali nang biglang hinawakan ni Jared ang kamay nito. "Ano na naman ba ang problema mo sa buhay mahal kong kapatid?" "Kuya Jared?" "Yuna, say sorry to this lady or else susulsulan ko si daddy na i-freeze ang lahat ng credit cards at bank accounts mo! Hindi tama ang ginawa mo kaya mag-sorry ka kay Aki!" seryosong utos ni Jared. Napatitig si Ali kay Jared. Humanga siya sa kabaitan nito. Mas lalo siyang humanga nang ipagtanggol siya nito kay Yuna. "Kinakampihan mo ang babaeng 'yan? Don't tell me, type mo siya?" natatawang usal ni Yuna. "You'll say sorry or you'll say goodbye to your money? Which one?" Nauubos na ang pasensya ni Jared. May meeting pa siyang dapat puntahan. Siguradong inip na ang pinsan niyang si Gio. "So … Sorry!" inis na sabi ni Yuna bago siya kumaripas ng takbo patungo sa may elevator. "Tatandaan ko ang pangalan mo, Aki. May araw ka rin sa akin!" bulong niya bago pindutin ang button patungo sa pinakatuktok ng building. "Pasensya ka na Aki sa kapatid ko ha. Spoiled kasi 'yon ni mommy kaya gano'n pero mabait naman 'yon … kapag tulog!" ani Jared. Magkasabay na nagtawanan sina Jared at Ali. Napatingin si Ali sa relo ni Jared. Rolex iyon, sigurado siya. "Pa'no kailangan ko nang umalis. Nice meeting you S-sir Jared." "Teka, aalis ka na agad? Magkuwentuhan muna tayo," sabi ni Jared habang nakatitig sa mga mata ni Ali. "Thank you talaga sa lahat. Sorry din kasi kailangan ko na talagang umalis. Sige na. Bye!" Nagtatakbo na si Ali pabalik sa sasakyan ni Gio na naka-park sa 'di kalayuan. Naiwan namang tulala si Jared habang nakatingin sa revolving door. "Hindi ko man lamang nakuha ang number niya. Napakaganda ng kaniyang mga mata! Tangina, na love at first sight yata ako sa kaniya kahit hindi ko pa nakikita ang buong mukha niya!" Napapitlag si Jared nang biglang tumunog ang cellphone niya. Tumatawag si Gio pero hindi niya iyon sinagot. 'I can imagine how he looks like now. Kailangan ko na siguro siyang hanapan ng babae para hindi na niya ako laging pag-initan.' isip ni Jared. Napangibit siya nang mabasa niya ang text message ni Gio. { PUPUNTA KA NA RITO O MAWAWALAN KA NG POSISYON SA KUMPANYA? } 'Kailan ba kita mapapabagsak sa puwesto mo, Giovanni Fuentes? Habang tumatagal, mas lalong lumalaki ang ulo mo,' sigaw ng isip ni Jared Sumipol si Jared habang naglalakad patungo sa elevator. Nang makasakay na siya ay naisipan niyang replyan si Gio. { I'm going up! Relax ka lang at baka madagdagan na naman ang wrinkles mo. Sorry for being late. }
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD