Kabanata 7

1360 Words
"Feeling ko malapit na akong matunaw," ani Ali habang abala sa paghuhugas ng mga plato. Ramdam na ramdam niya kasi ang mga titig sa kaniya ni Gio. Gio smirked and said, "Do you know that I can spend 24 hours just by staring at you?" Napakagat sa kaniyang labi si Ali. Para na namang sinilihan ang kaniyang pisngi. Kinilig ba siya sa sinabing iyon ni Gio? "Bolero." Nagtayuan ang mga balahibo ni Ali sa kaniyang batok nang maramdaman niya ang mainit na hininga ni Gio. Napakabilis nitong kumilos. Sa isang iglap, nakakulong na ang bewang niya sa mga bisig nito. "I'm not kidding, Ali. Kaya ko talagang titigan ka maghapon at magdamag," bulong ni Gio. Tila may kuryenteng naglakbay mula sa mga tainga ni Ali patungo sa kaibuturan ng kaniyang puso. Her heart was beating so fast. Halos dinig na dinig na niya ang pagtibok nito. "My heartbeat keeps me going, but yours lets me know I'm still alive. Your heartbeat has become my new favorite sound," Gio said as he leaned towards Ali's nape. Lalong bumilis ang t***k ng puso ni Ali dahil sa sinabing iyon ni Gio. "Being wealthy for life was once my dream but it changed when I found you. Marry me, Ali. This is not a question, this is an order." Nabasag ang basong binabanlawan ni Ali. Kakikilala lang nila. Imposibleng minahal agad siya nito sa loob ng maigsing panahon. Inalis niya ang gloves sa mga kamay niya at humarap kay Gio. Tinitigan niya ito nang diretso sa mga mata. "Se-seryoso ka ba, Van? We just met. Don't you think it's too early to say that?" Napahawak sa kaniyang noo si Ali. Sumagi bigla sa kaniyang isip si Lucio. Ibinenta na niya ang kaniyang katawan sa isang estranghero pati ba naman ang kalayaan niya ay itataya niya para sa salapi? "You will not understand me, Ali. I have my reasons. Magkano ang kailangan mo? Kaya kitang gawing CEO sa isang iglap. I have many companies. You can choose between them. I can also send your sister abroad para mas mapadali ang kaniyang pag galing. What do you think?" Hinawakan ni Gio ang mga balikat ni Ali. Nangungusap ang kaniyang mga mata. Tila nakiki-usap na pumayag ang dalaga. Umiling si Ali. Inalis niya ang mga kamay ni Gio sa kaniyang balikat at lumakad palayo. "Hindi ko ipinagbibili ang kalayaan ko, Van. Katawan ko lang ang maaari mong maangkin, hindi ang buo kong pagkatao," seryosong sambit ni Ali. Aminado siyang nababaitan siya kay Gio pero mayroon pa ring pag-aalinlangan sa kaniyang puso at isip. It's like her instinct was convincing her not to submit on his demand. "Paano kung sabihin ko sa'yong hindi aksidente ang pagkamatay ng mga magulang mo?" Biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Ang maaliwalas na mata ni Ali ay biglang nabalot ng animo'y maiitim na ulap. "A-anong ibig mong sabihin? Pa-paano mo nakilala ang mga magulang ko?" gulat na sabi ni Ali. Lumakad si Gio patungo sa may kabinet at kinuha ang isang bote ng Louis Roederer champagne. He got one goblet and poured some in it. "The man who killed your parents was also the man who killed mine," Gio said before he drank his champagne. "Hinahanap ko siya hanggang ngayon at hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nailalagay sa dapat niyang kalagyan." Tumawa ng pagak si Ali at saka nagsalita, "paano mo patutunayan ang mga sinasabi mo? Malay ko bang gumagawa ka lang ng kuwento para mapapayag mo akong magpatali sa'yo forever." Umupo si Gio sa dining chair. Pinagkrus niya ang kaniyang mga binti at braso. "Sa tingin mo ba, nagkataon lang ang pagkikita natin?" Huminto nang matagal sa pagsasalita si Gio. Hindi pa rin tumutugon si Ali. "Mayaman ako, Ali. Napakaraming babaeng nagkakandarapa matikman lang ako. 'Yong iba pa nga pumupunta sa opisana ko nang nakasuot na ng wedding gown. They want to marry me because I'm a hot bachelor, a renowned CEO and a multi-billionaire. Bukod doon, maganda rin ang lahi ko kaya 'yong iba willing magpabuntis, malahian ko lang. Hindi ka ba nagtataka kung bakit sa isang tulad mo ako bumagsak?" 'Sino ka ba talaga, Giovanni Fuentes?' sigaw ng isip ni Ali. Tumayo mula sa pagkaka-upo si Gio. Inalis niya ang kaniyang apron at naglakad patungo sa pinakamalapit na silid sa may dining area. Napasalampak ng upo si Ali sa silya. Hinilot niya ang kaniyang sintindo ng basang-basa pa niyang kamay. "Someone killed my parents? So it is arson and not just a mere fire accident?" Huminto siya saglit. "Simula noong tumapak ako sa mansyong ito, parang may kung anong mahikang sumapi sa dila at utak ko. Bigla na lang akong natutong magsalita ng ingles! Alessandra umayos ka!" Tumaas ang kilay ni Gio nang makita niyang kinakausap ni Ali ang kaniyang sarili. Malalaki ang hakbang niya hanggang sa makarating siya sa harapan ng dalaga. "Ang guwapo …" Ali whispered unconsciously. Binatukan niya ang sarili at ini-iling nang husay ang kaniyang ulo. Giovanni Fuentes knelt before her holding an expensive diamond ring. He's wearing a white tuxedo and a black pants. In a short period of time, he managed to groom himself. "Alessandra Marie Recio, will you marry me?" Ang mga mata ni Gio ay nagsusumamo habang nakatingala kay Ali. He won't accept a "no" as her answer. He just asked her for formality. "H-how did you know my full n-name? Hindi ko maalalang sinabi ko sa iyo ang tungkol doon," buong pagtatakang sambit ni Ali. "I told you. Meeting me was not a coincidence," ani Gio habang isinusuot ang singsing sa daliri ni Ali. "It fits you. Bagay na bagay sa makinis mong daliri," dagdag pa niya. Sobrang daming tanong ang bumabagabag ngayon sa isip ni Ali. Naramdaman niyang unti-unting nababasa ang kaniyang mga pisngi. A smile displayed on her pretty face while her eyes continued shedding tears. "I will marry you but …" Ali said. "But?" "We must sign a contract." Nagsalubong ang mga kilay ni Gio dahil sa kaniyang narinig. 'Contract? So she needs a way out or she wants us to follow certain conditions? Anong iniisip mo, Alessandra?' piping turan ni Gio habang nakatingin kay Ali. "Ano? Game ka ba, Mr. Giovanni Fuentes?" nanunuksong sambit ni Ali habang pinagmamasdan ang mamahaling singsing sa kaniyang daliri. Lumunok si Gio ng tatlong beses at pagkatapos ay huminga ng malalim. "If that's the only way to marry you, sige… pumapayag ako pero …" Siya naman ang may kondisyon sa pagkakataong ito. "Pero?" kunot-noong tanong ni Ali. "Pero ako ang gagawa ng nilalaman ng kontrata," nakangiting wika ni Gio. 'Mukhang ako pa ngayon ang susunod sa mga nais niya pero sige. I need more time to know him … to discover his secrets. Ano ba talaga ang totoong ugnayan ko sa iyo, Mr. Fuentes?' Naalala ni Ali ang litratong nakita niya sa kaniyang silid noong unang araw pa lamang niya sa mansyon. Binalikan niya iyon pero bigla na lamang iyong nawala sa pinagtaguan niya. 'At sino ang babaeng kamukhang-kamukha ko?' "Ano Ali? Payag ka na ba?" mahinahong tanong ni Gio bago tuluyang tumayo. "Si-sige … pumapayag na ako," matapang na tugon ni Ali. Hinawakan ni Gio ang mga pisngi ni Ali. Abot hanggang tainga ang ngiti niya. Mayamaya pa ay siniil na niya ng halik si Ali. Ang kaniyang mga kamay ay unti-unting naglakbay patungo sa likod ng dalaga. "Kapag kasal na tayo…" Tumingin si Gio sa pagitan ng mga hita ni Ali, "maaari na kitang angkinin. Hinding-hindi na ako mabibitin, my doll." Magsasalita pa sana si Ali nang bigla na naman siyang halíkan ni Gio. Nanggigil yata ito sa kaniya dahil kinagat nito ang kaniyang labi. Nasaktan siya sa ginawang iyon ni Gio kaya bigla niyang naitulak ang binata. "I … I'm sorry. Hindi ko sinasadya," ani Ali. "It's okay. Sige na. Tapusin mo na ang ginagawa mo. We're going out tonight. Dinner date. Ipakikilala na rin kita sa nag-iisang taong itinuturing kong kapamilya. Siya ang mag-aayos at magpa-plano ng ating kasal," nakangiting sambit ni Gio. Ano ang gagawin ni Ali kapag nalaman niyang si Lucio ang tinutukoy ni Gio? Itutuloy pa ba niya ang kasal o mas pipiliin niya ang lalaking unang nagpatibok ng puso niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD