Chapter One

500 Words
4 years later Elsa "Candi, halika nga dito ayusin natin yang ipit mo. First day of school dapat maayos itsura mo, nag toothbrush ka na ba?" Tanong nya kay candice, sa edad na syete nito, napakabait at masunurin nito. "Opo nana elsa, nana di mo ba ako sasamahan sa school?" Napatingin sya dito mula sa pag aayos ng buhok nito, nana ang tawag nito sa kanya dahil halos ng tao sa bahay ng amo nya nana elsa ang tawag sa kanya, in short nanang. At iyon na din ang nakasanayan ng bata. "Nakong batang ito, naka pag kinder ka na nga at kung ano an0 pa. At kinakabahan ka pa nyan?" "Kasi po nana elsa, kinakabahan po ako, kasi po ano eh" Tumingin ito sa kanya at kinagat ang ibabang labi nito habang naka dikit ang hintuturu nito sa isa. Kinakabahan nga. "Ano bang kinakabahan mo?" "Kasi po nana, ganto po, si maam clarissa po mag papaaral sakin, pano kung mahina ako sa klase di po ba nakakahiya yun?" Napangiti sya, sa edad nito agad agad nitong iniisip ang mga negatibong bagay. "Candice anak, bakit ka naman magiging mahina sa klase, eh di ka pa naman nakaka pag umpisa. At ano ba sabi sayo ni maam clarissa?, diba sabi nya, kahit anong mangyari candice mag enjoy ka lang, at kung may bagay ka man di maintindihan, itanong mo lang kay kuya cliff mo. Diba yun ang sabi ni maam clarissa sayo? At andun naman si kuya cliffton mo diba? Di ka papabayaan nun." "Opo nana, pero di ko po kasi maiwasang hindi kabahan eh, at lalo na po kasama ko po si kuya cliff, ano nalang po sasabihin ng mga tao sa school? isang katulad ko nag aaral sa mamahaling school, panigurado po nakakahiya po yun kay kuya cliff." Malungkot na sabi nito. May punto nga naman ito, madalas kasi itong minamata ng mga taong nakakasalamuha nito na may kaya, kapag sinasama sama ito nila maam clarissa, at dahil dun agad nag matured ang utak nito, at minsan ayaw nya din pinapasama ito kay maam clarissa. Dahil pag umuuwi na sila nag susumbong sa kanya si candice na minamata daw sya ng mga batang kasing edad nito. At wala man syang magawa dun. "Candice wag kang nag iisip ng negatibo, kung ako lang sa malapit dito nalang kita pag aaralin, kung san nag aaral yung apo ni benjo, pero wala akong magagawa ayaw akong payagan ni maam clarissa at sir tony na dun ka nalang mag aral, hayaan mo anak sa susunod susubukan ko na kausapin sila" Ngumiti ito sa kanya at niyakap sya nito ng mahigpit, at hinagkan ang pisngi nya. Napangiti sya, at tahimik na nag dasal na gabayan ito ng poong may kapal. "Candice! Hurry up! We're gettin' late!" Napangiti sya ng tawagin ito ni cliffton. Maldito ang bata na iyon at masungit, pero alam nya hindi nito natitiis si candice. "Andyan na po kuya!" Sigaw ni candice at nag mamadaling lumabas sa headquarters nilang mga katulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD