EPISODE 4 - A DATE WITH HIM

1199 Words
EPISODE 4 A DATE WITH HIM OLIVIA NOELLE’S POINT OF VIEW. “I need a nice dress, a comfortable and beautiful dress for my date with Cole,” natataranta kong sabi kay Koline. Shit. Magkikita na naman kami ni Cole ngayon at kailangan kong maging extra presentable tignan dahil mukha akong dugyot noong huling pagkikita namin dahil masyado akong pawisan nun at magulo ang buhok ko dahil sa masyado kong pag talon sa concert at sa pagsigaw ko nang paulit-ulit. Napasimangot si Koline habang nakahalukipkip na nakatingin sa akin. “E ‘di pumili ka diyan sa mga damit mo sa closet mo. Ang dami mo kayang damit diyan! Huwag mo sabihin sa akin na bibili ka pa ng damit sa mall para lang sa date niyong dalawa ni Cole?! Sasapakin na talaga kita diyan!” wika ni Koline. Napasimangot ako at humarap sa aking closet at binuksan ito. Bumuntong hininga ako at nagsimulang mag hanap ng aking susuotin. Ilang ulit din akong pinagalitan ni Koline dahil ilang minuto na akong nakaharap sa closet ko pero wala pa rin akong napipili na susuotin hanggang sa si Koline na ang nag pili sa huli nang aking susuotin at pinagbigyan ko na rin siya dahil baka abutin pa ako nang ilang oras sa pagpipili ko ng aking damit. Si Koline na rin ang nag ayos sa akin at nang matapos na ako ay agad din akong umalis at pumunta sa hotel na ang pangalan ay Miller Hotel and Casinos ito ang binigay sa aking address sa manager ni Cole. Agad din akong nakapasok sa loob dahil sinabi ko sa kanya ang aking pangalan at nagdala rin ako ng valid ID ko incase na kailangan ito at nagamit ko nga ito sa aking pag pasok. Nang makapasok ako sa loob ng hotel ay hindi ko mapigilan na mamangha dahil masyadong pang sosyal ang mga gamit sa paligid at hindi ko rin mapigilan na mahiya para sa sarili ko dahil pakiramdam ko hindi ako belong dito eh. Habang naglalakad ako papunta sa may front desk ay may mga nakakasalubong akong mga sikat na artista at mga models. Gusto ko sana magpa-picture sa kanila pero mukhang ang seryoso masyado ng kanilang mga mukha at parang ayaw nilang magpa-istorbo kaya pinigilan ko na ang sarili ko. “Ma’am, ano pong kailangan niyo? You have an appointment po ba kayo rito or reservation?” tanong ng babaeng nakabantay sa front desk. Ngumiti ako sa kanya at pinakita ang scanned copy ng isang reservation dito sa hotel para sa aming dalawa ni Cole. Sabi pa sa akin ni Koline ay narinig niya raw na itong hotel na pinuntahan ko ay isang private hotel para sa mga sikat na personalities at dito nila dinadala ang mga dates nila dahil hindi nakakapasok ang mga reporters dito at mga marites. Nang maipakita ko na sa kanya iyon ay tumango ang babae at makalipas ang ilang minuto ay sinamahan na niya ako papunta sa VIP floor kung saan naghihintay na si Cole para sa akin. Ang lakas ng t***k ng aking puso at hindi ko alam kung paano ko pakikisamahan ngayon si Cole nang hindi nauutal at natataranta. Baka ma bad trip na naman iyon sa akin at ayaw kong mangyari iyon. Tahimik ako sa loob ng elevator habang papunta na kami sa VIP floor at nasa 18th floor pala ito at hindi ko mapigilan na mamangha dahil ang taas na ng floor na iyon. Hindi na kasi ako tumingala kanina sa may labas para tignan kung gaano kataas ang hotel na ito. Kanino bang hotel ito at parang ang sosyal naman masyado? Napatingin ako sa babae na kasama ko ngayon at hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong. “Ate, kilala niyo ba kung sino ang may-ari ng hotel na ito?” tanong ko sa kanya. Sumulyap naman siya sa akin at sinagot kaagad ang aking katanungan. “Mr. Damon Adler Miller is the owner and the president of Miller Hotel and Casinos.” Sagot niya. Napatango na lang ako at bahagyang napanguso dahil hindi naman ako pamilyar sa pangalan na iyon pero siguro strikto iyong may-ari rito dahil Damon ang pangalan niya, pero hindi naman sure kasi hindi ko naman kilala iyon. Ano ba itong iniisip ko? Kung anu-ano na lang ang napapansin ko dahil kinakabahan ako nang sobra ngayon sa pagkikita namin ni Cole. “We’re here.” Tumunog na ang elevator at bumukas na ito. Ang babae ang unang lumabas at agad din akong sumunod sa kanyang likuran. “Wow,” mangha kong sabi nang makita ko ang malawak na hall. Ito na ba ang VIP Floor? Bakit walang katao-tao rito? Nasaan si Cole? “Nasa loob na ng room si Mr. Griffin, Ma’am. Pumasok na lang kayo sa pintuan,” sabi ng babae at tinuro ang isang malaking pintuan sa may gilid na ngayon ko lang nakita. Magtatanong pa sana ako nang makita kong nasa loob na ng elevator ang babae at sumirado na ito. Huminga ako ng malalim bago naglakad papunta roon sa pintuan at nang makapasok na ako ay nakita ko kaagad si Cole na nakaupo sa isang couch na nakaharap sa pintuan. Napalunok ako sa aking laway dahil ang lagkit ng titig niya at para bang ini-expect na niya talagang pumasok ako sa loob. Itinaas ko ang aking kamay kahit nanginginig at bahagyang kumaway kay Cole at ngumiti. “H-Hi…” Hindi siya nagsalita. Tumayo siya at humakbang papalapit sa akin kaya mas lalo akong nataranta. Tumigil lang siya sa kanyang pag hakbang nang makalapit na siya sa aking harapan. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang nakahalukipkip at hindi ko kaya ang kanyang titig dahil para akong nanghihina. “We meet again, Miss Olivia,” husky niyang sabi. Napakagat ako sa aking labi at bahagyang yumuko dahil naramdaman ko ang pamumula sa aking mga pisngi. Ibang-iba na talaga siya sa Cole na kilala ko noon. Mas lalo ko ata siyang minahal ngayon. “Hindi ka na ba makapagsalita, Miss Olivia?” natatawa niyang tanong sa akin. Napakurap ako sa aking mga mata at napalunok sa aking laway. Pinakalma ko muna ang sarili ko dahil kanina pa ako hindi mapakali. Now I know kung bakit na se-speechless ang mga fans kapag nalapit sa kanila ang kanilang mga ini-idolo dahil ito ang nararamdaman ko ngayon kay Cole. “U-Uhm… I-I’m sorry,” nauutal kong sabi. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko na maging emosyonal dahil nahihiya ako sa pinanggagagawa ko ngayon. “S-Sorry,” ulit kong sabi at napayuko upang hindi niya makita ang pagtulo ng aking luha. Hindi siya nagsalita. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang baba ko at hinawakan ang aking magkabilang pisngi at pumantay sa aking mukha. Tulala ako habang nakatitig sa kanyang mga mata. Para rin akong tinakasan ng hininga ngayon sa ginawa ni Cole. Ang ganda ng mga mata niya. Bahagya niyang hinaplos ang aking pisngi habang nakahawak pa rin dito. “You don’t have to say sorry to me, Miss Olivia. Today, don’t feel nervous, because I’m your date now, and I’m all yours,” malambing niyang sabi at ngumiti sa akin nang napakatamis. Oh, God! Hihimatayin ata ako nito! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD