EPISODE 24 - HIDE

1088 Words

CHASING COLE GRIFFIN EPISODE 24 HIDE OLIVIA NOELLE’S POINT OF VIEW. “Ma’am, saan ko po kayo ibababa?” Napakurap ako sa aking mga mata at napatingin sa driver ng taxi na aking sinasakyan ngayon. “A-Ah…” Saan ba ako pupunta? Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong ibang kilala rito sa Manila at hindi naman pwedeng bumalik ako sa apartment dahil sigurado akong nakabantay doon si Papa at maghihintay siya sa aking pagbabalik. Alam kong kilala na niya si Koline dahil noong huli niya akong nahanap ay kasama ko si Koline nun. Sana hindi idamay ni Papa ang aking kaibigan at alam ko naman na matapang si Koline at hindi kaagad siya masisindak sa papa ko. “Ma’am?” Muli akong huminga nang malalim bago tumingin sa driver na kanina pa naghihintay sa aking sagot kung saan niya ako ibababa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD