CHASING COLE GRIFFIN EPISODE 31 FIGHTING SPIRIT OLIVIA NOELLE’S POINT OF VIEW. Potangina! Ang sakit ng aking ulo. Ano bang nangyari sa akin kagabi? May bumagsak ba na bagay sa may ulo ko kaya masyado itong sumakit ngayon? Ang sakit talaga! “Buti naman at gising ka na.” Mabilis akong napamulat sa aking mga mata at napatingin sa may harapan ko. Nanalaki ang mga mata ko nang makita ko si Cole an seryosong nakatingin sa akin at nakasuot lang siya ng pambahay ngayon. Anong ginagawa niya rito sa loob ng aking kwarto? Hindi ko ba na-lock ang pintuan kagabi? “C-Cole, anong ginagawa mo rito?” nauutal kong tanong sa kanya. May nginuso si Cole at tinignan ko naman ito, may nakita akong isang baso ng tubig at may gamot din sa tabi nito sa may table na malapit lang sa aking hinihigaan na kama.

