EPISODE 7 - CALL ME ELLE

1202 Words
CHASING COLE GRIFFIN EPISODE 7 CALL ME ELLE OLIVIA NOELLE’S POINT OF VIEW. Umalis ako sa mga dati kong trabaho at nag focus na ako sa pagiging personal assistant kay Cole. Malaki ang binigay na offer ni Ma'am Lolita sa akin para maging assistant ako ni Cole at double na ito sa dalawa kong trabaho kaya nag go na kaagad ako kasi malaki na nga ang sweldo, nakikita ko pa palagi si Cole at nalalapitan ko siya at nakakausap. Pero mahirap nga lang daw talaga ang trabaho ko dahil ako lahat ang gagawa lahat ng mga kailangan ni Cole lalo na sa mga gamit ni Cole, lahat ng iyon ay responsibilidad ko. “Itong nasa loob ng papel na ito ay ang mga possibly questions sa show mamaya at kailangan na mag handa si Cole para rito para hindi siya mahirapan mamaya. Remember, dapat ingatan niya ang mag sagot niya mamaya at nandiyan na rin sa loob ang mga sagot sa questions kung mahihirapan si Cole na mag isip ng kanyang mga isasagot. Maliwanag ba iyon, Olivia?” utos ni Ma'am Lolita sa akin at binigay sa akin ang papel. Nandito ako ngayon sa G Coleman Entertainment Company kung saan nandito ang office ni Lolita. May guesting na naman mamaya si Cole at nasa kanyang unit pa ito at kukunin namin siya pagkatapos ko rito. Si Jenny naman na personal manager ni Cole ay may ginagawang importante at may inutos dito si Lolita kaya busy at ako na lang ako pumunta rito. Tumango ako kay Lolita at bahagyang ngumiti. “Noted, Ma'am Lolita. Don’t worry, ako ang bahala kay Cole,” wika ko. Tumango siya at bumuntong hininga. “Hindi ko mapupuntahan mamaya si Cole dahil pupuntahan ko pa iyong isa ko pang alaga. Alam mo naman na marami akong alaga,” sabi ni Lolita. Hindi lang kasi si Cole ang artista na hina-handle ni Lolita at hina-handle niya rin ang isa sa mga sikat na babaeng artista rito sa Pilipinas na si Elisse Gozon na girlfriend ng isang sikat din na artista na si Jared Vox Real. Love team silang dalawa ni Elisse at Jared at ang tawag sa kanila ay JaredLisse. Busy rin si Lolita sa alaga niyang si Elisse kaya may personal manager si Cole na si Jenny para mag-alaga rito kung wala man si Lolita. “Walang problema, Ma'am Lolita. Guesting lang naman itong kay Cole ngayon kaya hindi ako mahihirapan. Tatawag na lang ako mamaya kay Ma'am Jenny or hindi naman sa ‘yo kung may problema sa studio,” sambit ko. Tumango si Lolita. Nang sumapit na ang 3 PM ay nagpaalam na ako para umalis dahil kukunin pa namin si Cole. 6 PM mag sa-start ang show pero kailangan naming makapunta doon ng 4 PM para makapaghanda pa kami doon at makapaghanda pa si Cole. May sariling van para kay Cole ang kompanyang huma-handle sa kanya kaya hindi na kami mahihirapan para sunduin si Cole at malaki rin itong van na para sa kanya at nandito rin ang kanyang mga gamit. Ako ang kanyang personal assistant at meron din siyang personal driver na si Kuya Joshua. Nang makarating na kami sa Coleman Condominium ay agad na akong pumasok sa loob at tinatawagan ko na rin si Cole kaso hindi siya sumasagot sa aking tawag. Wala akong nagawa kundi ang puntahan na lang siya sa kanyang unit dahil hindi pwedeng ma late kami. Agad akong nag doorbell nang makarating ako sa harapan ng unit ni Cole. Sa dalawang kong pag doorbell sa unit ni Cole ay hindi pa rin niya binubuksan ang pintuan. Nasaan ba siya? Nasa loob ba siya? Muli akong nag doorbell at makalipas ang ilang minuto ay bumukas na ito at nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita at agad akong tumalikod. “Olivia, ikaw pala ‘yan,” mapang-akit niyang sabi. Mapang-akit dahil naaakit ako sa boses niya! Isa pa, nakahubad siya ngayon at ang suot niya lang ay boxer shorts! Nararamdaman ko pa ang pamumula sa aking mukha ngayon. Gosh! Hihinamatayin ata ako. “M-Magbihis ka muna sa loob,” mahina kong sabi habang hindi pa rin humaharap sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang pag tawa. “Okay. Magbihis na po. Pumasok ka na rito sa loob at hintayin ako na makapagbihis,” wika niya. Naghinatay na muna ako ng ilang minuto bago humarap at pumasok sa loob ng kanyang unit. Nang makapasok ako sa loob ay hindi ko mapigilan na mamangha dahil unang beses kong makapasok sa loob ng condo unit ni Cole. Ang laki ng kanyang unit at may pangalawang palapag pa ito kung saan makikita ko ang malaki niyang bookshelves at may tatlong kwarto din sa taas at nandoon ang kwarto ni Cole. Ang ganda at ang laki ng paligid at hindi ako makapaniwalang mag isa lang dito si Cole. Hindi ba siya na bo-bored na siya lang mag isa dito sa unit niya? Parang ang boring namang mag isa sa malaking unit na ito. Sa apartment ko nga nabo-bored na ako na ako lang mag isa kaya pinasama ko na si Koline at doon na siya tumira sa apartment ko at hati na kami sa babayarin. “Hindi ba pupunta mamaya si Lolita?” Nakalabas na pala si Cole sa kanyang kwarto at nakasuot siya ngayon ng simpleng v neck black t-shirt tapos tinernohan niya ito ng isang black leather jacket. Nakalugay ang kanyang mahabang blonde hair at ang shiny nito. Kailan kaya kukuning endorser ito si Cole sa isang shampoo product? Parang bagay rin kasi sa kanya na maging endorser sa isang shampoo kasi shiny ang buhok niya at mahaba, bagay na bagay sa kanya at mas lalo siyang guma-gwapo rito. “Sabi ni Ma'am Lolita hindi raw siya makakapunta dahil may importante siya gagawin. Baka si Ma'am Jenny lang ang pupunta mamaya kung wala na itong gagawin,” sagot ko sa kanyang katanungan. Tumango naman siya at kinuha ang cellphone niya at nilagay ito sa kanyang bulsa. “Let’s go, Olivia,” sambit niya. “It’s not Olivia.” Napatigil siya sa kanyang paglalakad at humarap sa akin habang nakakunot ang noo. Tumayo ako at seryoso siyang tinignan. Ayokong tawagin niya akong Olivia, hindi ako sanay na tawagin niya ako sa pangalan na iyon. “Elle. Call me Elle,” seryoso kong sabi habang nakatingin sa kanyang mga mata. Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang din siya sa akin kagaya ko na nakatingin lang din sa kanya. Ang lakas ng t***k ng aking puso at kinakabahan din ako ngayon. Magagalit ba siya sa akin? Maaalala niya na ba ako kapag tinawag niya akong Elle? Sana… sana nga. Napakagat ako sa aking labi habang hinihinatay ang respons ni Cole sa aking sinabi sa kanya. Ngumiti siya sa akin at tumango. “Okay, Elle. Let’s go?” wika niya at umuna nang lumabas sa kanyang unit. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa nangyari. Wala ba siyang naalala sa Elle? Wala na ba talagang pag-asa na maalala niya ako? Akala ko ba hihintayin mo ako? Akala ko ba papakasalan mo ako kapag nagkita ulit tayo? Bakit kinalimutan mo na ako, Cole? Sinaktan mo na naman ang puso ko nang hindi mo namamalayan. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD