CHASING COLE GRIFFIN EPISODE 27 THE HOUSEMATES OLIVIA NOELLE’S POINT OF VIEW. Dahil hindi pa ako nakakahanap ng bagong malilipatan at ayaw din ni Cole sa ideya kong pag alis sa kanyang unit, dito pa rin ako nakatira kung saan siya nakatira. Balik na ako sa aking trabaho bilang personal assistant ni Cole at dahil nasa iisang bahay lang kami nakatirang dalawa ay wala siyang magawa kundi ang gumising nang maaga at sumabay sa akin papunta sa kanyang taping. “Himala nitong alaga natin, Liv! Ang agang pumunta rito sa set palagi, tuwang-tuwa tuloy si Direk,” nakangiting sabi ni Ma’am Jenny habang nakatingin kay Cole na nakaupo sa kanyang upuan at nagbabasa sa kanyang script na isho-shoot mamaya. Ngumiti ako pabalik. “Malapit na raw kasi ang bagong taon kaya magbabagong buhay na rin daw siya

